Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 23 November 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << November 2017 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/04/19

Tagalog News: Laguna nagtaguyod ng programang pangkalusugang pambata

Sta. Cruz, Laguna (19 April) -- Ang Panlalawigang Pamahalaan ng Laguna sa pakikipagtulungan ng Kagawaran ng Kalusugan at ng Laguna Provincial Health Office (PHO) sa pangunguna nina Dr. Alsaneo F. Lagos, PHO II at Dr. Ronaldo A. Catindig, PHO I/Public Health Services ay magsasagawa ng libreng serbisyong pangkalusugan sa lahat ng health centers, rural health units at barangay health extensions sa lahat ng barangay sa buong lalawigan.

Ang naturang programa ay magsisimula sa ika-16 ng Abril at magtatapos sa ika-20 ng Abril ng taong kasalukuyan kaalinsabay sa pagdiriwang ng Garantisadong Pambata Week - Four in One (4 in 1) Kalusugan. Ang 4 in 1 kalusugan ay kinabibilangan ng bakuna, Vitamin A drops, breastfeeding at purga laban sa bulate.

Kabilang din sa libreng serbisyong pangkalusugan para sa mga bata ay ang bakuna laban sa polio, tigdas, tuberculosis, diptheria, pertussis, tetanus, hepatitis B. Magbibigay din ng libreng impormasyon tungkol sa breastfeeding, oral health, paggamit ng iodized salt at complimentary feeding para sa mga magulang at tagapag-alaga.

Ayon kay Ms. Teresita E. Dionisio, Health Education Promotion Officer II (HEPO II), ang libreng bakuna at iba pang serbisyo ng Garantisadong Pambata - Four in One (4 in 1) Kalusugan tulad ng BCG ay para sa batang may edad 0-11 buwan; routine immunization na DPT, OPV, measles at hepatitis B para sa 0-24 buwang edad; Vitamin A capsule para sa edad 6-71 buwan at purga para sa 12-71 buwang edad./pho/pia/alorti. (PIA-MMIO) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»GMA: Gov't committed to end Mindanao conflict
»E-Commerce for farmers to hike their income - DA
»Feature: GK stalwart exhorts rise of Filipino spirit
»DOH celebrates children's health campaign this April
»Davao TMC prepares for traffic come opening of classes
»Davao del Norte lacks potable water, IGCoS needs more electric power
»Feature: Bridging the gap in the workplace
»Komentaryo: Kaguluhan sa Sulu, tigilan na
»US Peace Corps head thanks PGMA for support in rescue efforts for missing Campbell
»Virginia Tech massacre magnifies need to keep school campuses safe and secure - PGMA
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines