Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 22 September 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << September 2017 >> 
S M T W T F S
1 2
3 4 5 6 7 8 9
10 11 12 13 14 15 16
17 18 19 20 21 22 23
24 25 26 27 28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/04/25

Tagalog News: Summer job para sa mga estudyante sinimulan na

by Bennie A. Recebido

SORSOGON CITY (April 25) -- Isinagawa na ang orientation para sa summer job program ng syudad ng Sorsogon sa mga pumasa at kwalipikadong mga estudyante mula sa tatlong distrito ng syudad na ito.

Matatandaang ang naturang summer job program ay taunan nang programang isinasagawa upang mabigyan ng karagdagang pagkakakitaan ang mga mag-aaral lalo na yaong kabilang sa bracket ng marginalized society.

Umabot sa halos 200 ang bilang ng mga natanggap, samantalang tatlo naman ang nadiskwalipika matapos na hindi nito maiprisinta ang mga kailangang requirements na hinihingi ng Department of Labor and Employment (DOLE). Dalawampu't isa naman ang bilang ng mga mag-aaral na nasa floating status dahil hindi pa nila nakukumpletuhan ang iba pang mga requirements na hinihingi ng City Human Resource Management Officer.

Ayon kay City Administrator Noel Galarosa, makatatanggap ang bawat mag-aaral ng aabot sa apat na libong piso na may minimum wage na P200 bawat araw. Ang gagamiting pondo ay paghahatian ng lokal na pamahalaan ng syudad at ng DOLE. P120 ang ibibigay ng city government habang ang DOLe naman ay magbibigay ng kanilang counterpart sa halagang P80 bawat araw sa loob ng 20 araw na pagtatrabaho ng mga estudyante. Ito ay ayon sa nakapaloob na batas na sinusunod ng Special Program for Employment for the Students (SPES) ng syudad.

Ipinaunawa din ni Galarosa ang kahalagahan ng summer job at binigyang diin din niya ang magiging suporta nito sa programa ng syudad partikular sa solid waste management program ng kasalukuyang alkalde.

Ayon pa kay Galarosa, hangad sana nilang mabigyang trabaho ang 500 aplikante subalit 200 lamang ang kayang iaccomodate ng city budget para sa SPES program para sa taong ito.

Ang nabanggit na summer job ay sinimulan na noong Martes, Abril 17 na magtatapos sa darating na May 18, 2007.

Ayon naman sa City Environment and Natural Resources Office, tuturuan nila ang mga mag-aaral ng waste segregation na nakapaloob sa RA 9003 o Solid Waste Management Program at nai-cluster na nila ang mga ito sa tatlong distrito at pinagpangkat-pangkat naman sa mga magkakatabing barangay para sa mas sistematikong galaw o aksyon ng mga ito.

Nagpahayag din ng kasiyahan ang mga estudyante matapos na maging patas ang SPES Program sa isinagawang palabunutan sa halos 500 kataong nagpalista na sila-sila rin mismo ang bumunot ng mga coupon na siyang magsasaalang-alang kung sila ay matatanggap o hindi. Selyado din ang nasambit na kahon na pinalagyan ng mga bubunuting coupon.

Nagbabala naman ang pamahalaan ng syudad na agad kumpletuhin ng mga estudyante ang mga kakulungan pang mga dokumento bago pa sila maisama sa mga ididiskwalipika sa dahilang hindi sila nakasunod sa hinihingi ng city government at ng DOLE. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»DOLE observes 105th Labor Day celebration
»Davao City holds nutrition council meeting
»Mango producers urges gov't to put up mango post-harvest facilities
»Gov't to expand areas planted with mango
»Igacos is ready for a big hug
»Komentaryo: Pagpatay sa mga journalists, agad na lulutasin
»Cotabato mayor appeals for vigilance
»Tagalog News: DepEd patuloy na ipinapatupad ang student financial assistance program
»Tagalog News: Pamahalaan pinapalakas ang programang magpapalawak ng micro, small, at medium enterprises
»Tagalog News: Pangulo, nagsagawa ng plano para sa kapaligiran
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines