Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 20 November 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << November 2017 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/04/27

Tagalog News: Sorsogon City Pili festival dance troupe kalahok sa Aliwan fiesta

by Bennie Recebido

SORSOGON CITY (April 27) -– Ang Sorsogon City Pili Festival Dance Troupe ang napiling iindorso ng Department of Tourism na kumatawan sa buong rehiyon ng Bikolandia sa Aliwan Fiesta ngayong taon na kasalukuyang ginaganap sa Metro Manila.

Ang Aliwan Fiesta ay isang national event na binuo ng Manila Broadcasting Company (MBC) at ng Culutural Center of the Philippines na kung saan taunang ipinakikita ang ipinagmamalaking mga selebrasyon sa buong Pilipinas na tinaguriang “Best of Best of Festivals in the Philippines” sa pamamagitan ng parada at mga paligsahan sa iba’t-ibang mga kategorya.

Matatandaang nakatanggap na ng maraming dance showcase invitation ang Sorsogon City Pili Festival Dance Troupe mula sa mga prestihiyosong selebrasyon sa buong bansa kabilang na ang Sto. Niño Festival sa Cebu City upang magpakita ng iba’t-ibang mga sayaw nito.

Ikinatuwa at ipinagmamalaki naman ng mga Sorsogueños na nakatira na ngayon sa Maynila ang patuloy na pagsali ng Sorsogon City sa nasabing National Dance o Festival Showcase.

Ayon sa mga organizers ng naturang Festival, Sor. City Pili Festival Dance Troop ang kanilang napisil na ilahok sapagkat kilala na ang Pili Festival ng syudad ng Sorsogon katulad ng Butanding Festival sa Munisipyo ng Donsol sa lalawigan ng Sorsogon.

Ayon kay Dan Razo, Sorsogon City Cultural Affairs Officer, umalis sila kahapon ng hapon at naktakdang magperform sa itinalagang dalawang exhibition areas mamayang hapon, ang Quirino Grandstand, Manila at ang Cultural Center of the Philippines sa Pasay City.

Sinabi pa ni Razo na umaabot sa 120 members ang kasama sa kanilang contingent at 110 dito ang nakatakdang makita sa entablado. Dalawa sa tatlong kategorya ng paligsahan ang nakatakda ring lahukan ng kanilang dance troupe sa darating na sabado, Abril 28, na siyang magiging pinakahighlight ng Aliwan Fiesta --- ang dance competition at ang float competition na may temang “Pili: The Majestic Tree”.

Dagdag pa niya, malaki ang benepisyong makukuha ng mga Sorsogonanon sa mga ganitong pagkakataon lalo na sa larangan ng lokal na turismo at ekonomiya. Mas mabibigyan pa ng pagkakataon ang Sorsogon na makilala hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa labas man ng bansa. Magsisilbi ring inspirasyon ito sa mga Sorsoganon na may hilig sa pagsasayaw at teatro na ipagpatuloy ang paglinang sa kanilang mga talento.

Sinabi pa ni Razo na balak rin nilang makasungkit ng major awards sa nasabing Festival of Festivals lalo na’t hinihiling ng organizing committee na ibalik ng syudad ang dati nitong dance steps na ipinakita noong mga nakaraang Aliwan Fiesta na siyang hinahanap ng mga turista, dayuhan man o lokal. (PIA Sorsogon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»UN Habitat recognizes Butuan as part of LMDG program
»Butuan seminar on counting and canvassing held
»PDEA going against graft and corruption
»NFA assures Surigaonons: Rice still at P18 per kilo
»29 students from AgSur now DOST scholars
»Feature: All South Leyte candidates are GK partners
»DOLE 11 holds jobs fair
»Gubernatorial candidates bare platform in DavNor forum
»Canada signs commitment to Mindanao Trust Fund
»USAid extends Health Gov Program in SoCot
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines