Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 21 September 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << September 2017 >> 
S M T W T F S
1 2
3 4 5 6 7 8 9
10 11 12 13 14 15 16
17 18 19 20 21 22 23
24 25 26 27 28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/04/27

Tagalog News: Gawad Kalinga housing project sa Sorsogon isinapinal na

by Benni Recebido

SORSOGON CITY (April 27) -– Sa isang follow-up meeting na isinagawa kamakailan sa opisina ng alkalde ng syudad ng Sorsogon, isinapinal na ang planong Gawad Kalinga (GK) Housing Project na itatayo sa Brgy. Guinlajon sa syudad na ito.

Tinalakay din sa nasambit na pagpupulong ang site development plan at ang road networks pati na ang survey sa gagawing subdibisyon.

Ayon sa Engineering Office ng syudad, relatively flat o patag na ang loteng pagtatayuan ng mga bahay kung kaya hindi na sila gaanong mahihirapang simulan ang proyekto.

Kasabay rin sa tinalakay ay ang profiling ng mga aplikante at ang assessment and orientation plan na pinangunahan ng GK, Urban Poor Affairs Office (UPAO) at ng Sorsogon City Social Welfare and Development Office.

Matatandaang hangad ng GK at ng lokal na pamahalaan ng syudad na makapagbigay ng mahigit sa isandaang units na pabahay sa mga informal settlers at mahihirap na mga pamilya sa pitong barangay sa kanlurang distrito ng Sorsogon na kinabibilangan ng mga barangay ng Guinlajon, Barayong, Peñafrancia, Gimaloto, Pamurayan, Pang-pang at Brgy. Piot.

Kaugnay nito hangad rin ng GK na mabigyang pangkabuhayan ang mga benepisyaryo ng naturang housing project sa Brgy. Guinlajon na siyang magiging pilot ng livelihood project ng GK dito sa syudad.

Umaabot sa 7,300sqm ang kabuuang sukat ng lupang kakailanganin para sa livelihood area lamang.

Nakapaloob sa plano ng GK na kinakailangang may nakalaang lugar para sa livelihood program ng mga benepisyaryo ng pabahay sa lahat ng pilot areas nila sa syudad.

Ipinaliwanag din ng kinatawan ng GK na marami pa silang mga housing sites sa syudad na pagtatayuan ng mga pabahay. Sa kalagitnaan ng konstrukyon ng pabahay sa Brgy. Guinlajon, sisimulan na rin nila ang GK housing program sa Brgy. Salvacion sa Bacon District, syudad ng Sorsogon.

Ayon pa dito, sa pamamagitan ng ipakikitang kooperasyon ng mga benepisyaryo at ng lahat na mga taong sangkot sa programang ito, mas higit na mapadadali ang proyekto at masisimulan na ng mga residente ang paglilipat sa bago at mas convenient na panghabangbuhay nilang tirahan. (PIA Sorsogon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»UN Habitat recognizes Butuan as part of LMDG program
»Butuan seminar on counting and canvassing held
»PDEA going against graft and corruption
»NFA assures Surigaonons: Rice still at P18 per kilo
»29 students from AgSur now DOST scholars
»Feature: All South Leyte candidates are GK partners
»DOLE 11 holds jobs fair
»Gubernatorial candidates bare platform in DavNor forum
»Canada signs commitment to Mindanao Trust Fund
»USAid extends Health Gov Program in SoCot
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines