Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 16 August 2018 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << August 2018 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/06/05

Tagalog News: Ang kasaysayan at kahalagahan ng watawat

Ni Fred Dellava

General Santos City (5 June) -- Naalala mo pa ba ang panahon kung saan tayong mga Pilipino ay binalot ng kakaibang digmaan upang makamtan lamang ang ina-asam na kalayaan? Ang itak ni Bonifacio ay nagsilbing tanglaw upang magkaroon ng liwanag ang isipang puno ng kapighatian sa ilalim ng mga dayuhan. Ilang taon na rin ang nakalipas, mula nang naranasan natin ang mga 'yon.

Ang deklarasyon ng Araw ng Kalayaan sa tuwing sasapit ang ika-12 ng Hunyo ay tinatawag ding Araw ng Watawat o Flag Day, kung saan nagsimula ang unang selebrasyon nito noong taong 1898 sa pangunguna ni Heneral Emilio Aguinaldo, ang tumatayong lider ng Filipino revolutionary forces, na siya ring tinaguriang kauna-unahang pangulo ng Republika ng Pilipinas

Ang kasalukuyang Pambansang Watawat ng Pilipinas ay sumibol mula sa napakaraming mga bersiyon. Bagamat ang lahat nang ito ay bakas mula sa mga karaniwang pagsisikap ng mga rebolusyunaryong Pilipino upang maipakita ang kanilang pagmamahal alang-alang sa bansa.

Ang unang watawat ng Pilipinas ay tinatawag na war banner, kung saan ginamit ng mga kaalyado ni Andres Bonifacio noong 1892. Isa itong parisukat na pulang tela, na may tatlong puting letrang "K" na ang ibig sabihin ay "Kataastaasan Kagalang-galang na Katipunan nang mga anak ng bayan".

Ilang buwan bago pa man nagsimula ang rebolusyon noong 1896, si Bonifacio nagkaroon na naman ng panibagong watawat, kung saan nagsilbing pamantayan ng Katipunan.

Noong Oktubre taong 1896, binago ni Heneral Aguinaldo ang pamantayan ng Pilipinas. Mula sa watawat ni Bonifacio, ito ay meron nang nakalagay sa gitna ng parisukat na isang larawan ng araw. Ang araw ay mayroong walong sinag-na nangangahulugang pagrerepresenta ng unang walong probinsya, ang Manila, Bulacan, Tarlac, Pampanga, Nueva Ecija, Laguna, Batangas at Cavite upang magkaisa laban sa mga Kastila.

Samantala, noong ika 17 nang Marso 1897, itinahanghal ang bagong watawat sa Naic Assembly. Ito ay parisukat na puting tela na kahalintulad din ng mga naunang watawat na siyang ginamit sa pagpapatigil ng labanan sa Biak-na-Bato, noong Disyembre 14 at 15, 1897.

Nuon sa pagkakulong ni Aguinaldo sa bansang Hongkong, kanyang inutos kay Gng, Marcella Agoncillo na gumawa ulit ng panibagong watawat. Sa tulong nang kanyang nakakatandang babaeng anak na si Lorenza at Bb. Delfina Herbosa, ang pamangkin ni Rizal, tinahi ni Gng. Agoncillo ang bagong watawat, na kalaunan naging Pambansang Watawat ng Pilipinas.

Ang watawat ay gawa sa dalawang stripes- ang bahaging itaas ay kulay pula at asul naman ang nasa ibaba. Nakapaloob sa puting tatsulok sa isang parisukat na tela ay ang larawan ng araw, na sumisimbolo ng kalayaan at ang unang walong probinsya na nakipaglaban sa Espanya.

Ang tatlong mga bituin, na nasa magkabilang sulok ay simbolo ng tatlong malalaking isla, ang Luzon, Visayas at Mindanao.

Ang watawat ng Pilipinas ay may kakaibang kahulugan kompara sa ibang mga watawat sa mundo. Kapag ito ay nakasabit nang pabaliktad, ito umano ay nangangahulugang pagdeklara ng digmaan laban sa estado. Ito ay base narin sa simbolo ng kulay asul at dilaw ng watawat. Matatandaan, na ang kulay pula ay sumasalamin ng pagiging matapang at ang asul naman ay ang pagiging dakila.

Ngayon, ang bansa ay naghahanda na para sa gaganaping selebrasyon ng Araw ng Kalayaaan, sa darating na Hunyo 12, 2007, nawa'y sariwain ng bawat Pilipino ang kadakilaan ng ating mga bayani sa pamamagitan ng pagtaguyod ng totoong kalayaan.

Ayon sa Republic Act 8491, idineklara ang ika-28 ng Mayo at Hunyo 30 bilang National Flag Days o ang Paggalang sa Watawat. Ito ay bahagi parin ng taunang selebrasyon ng Araw ng Kalayaan. (fd PIA-SARGEN) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»DENR raises alarm vs starfish
»Local execs to boost anti-terror drive
»Aussie firm to launch $10-M oil search venture in Mindanao
»Open high school system to curb dropout rate
»Thousands protest in Maguindanao
»RDC-Caraga opens PSR nominations
»Cebuano News: Bag-ong Iloilo Airport mag-abli sa Hunyo 13
»National ECCD officials visit Biliran to evaluate program
»PTWG members in Biliran attend strategic planning-workshop
»TRTA bats for improvement of quality coco exports
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines