Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 26 May 2018 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << May 2018 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/06/14

Tagalog News: Araw ng Kalayaan ipinagdiwang ng mga Bulakeņo

Ni Vinson F. Concepcion

MALOLOS CITY (14 June) -- Ipinagdiwang muli ng mga Bulakeņo ang selebrasyon para sa ika-109 na taon anibersaryo ng pagpapahayag ng kalayaan ng bansang Pilipinas.

Sa isinagawang selebrasyon sa harap ng makasaysayang simbahan ng Barasoain, naging makulay at puno ng pag-asa ang lahat ng dumalo dala ng temang "Sama-sama Tayo Tungo sa Pag-asenso".

Ang nasabing pagtitipon ay sinimulan sa isang parada sibiko at militar kasunod ang pagtataas ng watawat ng bansa at pag-aalay ng bulaklak sa dambana ni Hen. Emilio Aguinaldo na pinangunahan ni Congressman at Vice-Governor elect Wilhelmino Sy Alvarado at Malolos City Mayor Danilo Domingo.

Bagamat hindi nakadalo sa nasabing pagtitipon ang panauhing pandangal na si House Speaker Jose de Venecia, ipinahayag ni Cong. Alvarado sa kanyang talumpati na napaka-halagang araw ang sinasariwa ngayon dahil ang Araw ng Kalayaan ay isang pamana ng ating mga ninunong nagbuwis ng buhay makamtan lamang ang kalayaan ng bayan.

Ayon pa kay Cong. Alvarado, ang kalayaan ay isang gampanin, tungkulin at pananagutan para sa patuloy na pakikibaka sa problema ng kahirapan at daan sa patuloy na pag-unlad ng bansang Pilipinas.

Hamon pa niya sa lahat ng dumalo na magtulong-tulong upang itaguyod ang kaunlaran ng lalawigan at bansa.

Dagdag pa ni Alvarado na patuloy ang kanyang paghahangad sa pag-unlad ng lalawigan, patunay ito kung saan nakapaloob sa General Appropriations Act ang 68 milyon piso pondo para sa lalawigan ng Bulacan.

50 milyon piso dito ay nakalaan sa pagpapatayo ng mga gusaling pang -edukasyon sa Bulacan State University main campus at P10 milyon sa BSU Matungao, Bulacan Campus, Tig-2 milyong piso naman para sa rehabilitasyon ng Barasoain Church at Immaculate Church at tig-2 milyong piso rin para sa Marcelo H. Del Pilar at Gregorio del Pilar Shrine.

Dumalo sa nasabing pagdiriwang ng kalayaan ang mga beterano ng ika-2 digmaang pandaigdig,mga kawani ng pamahalan, barangay officials, guro at estudyante ng iba't ibang paaralan sa lalawigan. (PIA-Bulacan) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Feature: Scholarship for Muslims
»NGO holds lecture on violence against women
»Low-cost prosthetics available for PWDs
»Families in 4 barangays to be relocated away from geo-hazards
»Matinians to vote for cityhood on June 18
»Firms teamup to sponsor environmental essay contest
»Komentaryo: Gobyerno, kukuha ng 16,000 bagong guro
»Climate change Bicol forum set Friday
»Kalahi-CIDSS brings changes to village people
»Mining firms spend P8-M for community relations in Bicol
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines