Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 23 October 2018 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2018 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/06/14

Tagalog News: Sorsogon Bay at Juag Lagoon positibo pa rin sa Red Tide

Sorsogon Province (Hunyo 14) -- Positibo pa rin sa red tide toxin ang look ng Sorsogon at patuloy pa ring ipinagbabawal ang pagkuha, pagtitinda, pagbibiyahe at pagkain ng mga lamang-dagat na kontaminado nito.

Ito ay ayon sa pinakahuling ipinalabas na Shellfish Bulletin No. 13 na may petsang June 4, 2007.

Sa naturang bulletin din, muling nakasama ang Juag Lagoon sa Matnog, Sorsogon sa mga positibo sa red tide contamination at muling ipinatupad ang shellfish ban dito.

Matatandaang kasabay ng Sorsogon Bay ay idineklara ring red tide contaminated ang Juag Lagoon.

Noong February 2, 2007, sa ipinalabas na Shellfish Advisory No. 1 series of 2007 ng BFAR, inaalis na ang shellfish ban sa naturang lagoon sa Matnog at nangangahulugan itong ligtas nang kainin ang anumang uri ng lamang-dagat na magmumula dito.

Subalit makalipas ang halos tatlong buwan, muli na namang nakasama ito sa listahan ng mga positibo sa red tide toxin.

Ayon kay OPA-BFAR Chief Serafin Lacdang, hindi ito nakapagtataka sapagkat ang alinmang anyong-tubig na nakotamina na ng red tide ay maaaring paulit-ulit pa ring magiging positibo at may kahirapang maalis ito ng basta-basta na lamang.

Kaugnay nito, patuloy ang kanyang panawagan sa mga Sorsoganon na makiisa sa mga programang ipinatutupad ng pamahalaan ukol sa pag-iwas sa mga posibleng maging epekto ng red tide sa kalusugan.

Idinagdag din niyang dapat na maging responsible ang mga mamamayan partikular sa waste management nila upang hindi na lalo pang madagdagan ang mga posibleng kadahilanan ng pagkakaroon ng red tide toxin sa katubigan ng ilang lugar sa Sorsogon.

Sinabi din niyang hinihintay na rin nila ang resulta ng isinagawang sampling ng mga kinatawan ng BFAR Central Office na pumunta ditto sa lalawigan noong nakaraang linggo. (PIA Sorsogon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Feature: Scholarship for Muslims
»NGO holds lecture on violence against women
»Low-cost prosthetics available for PWDs
»Families in 4 barangays to be relocated away from geo-hazards
»Matinians to vote for cityhood on June 18
»Firms teamup to sponsor environmental essay contest
»Komentaryo: Gobyerno, kukuha ng 16,000 bagong guro
»Climate change Bicol forum set Friday
»Kalahi-CIDSS brings changes to village people
»Mining firms spend P8-M for community relations in Bicol
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines