Tagalog News: Pilipinas at Canada nagkasundong palawakin ang pagtutulungan
Koronadal, South Cotabato (3 August) -- Ang Pilipinas at Canada ay nagkasundong palawakin ang kanilang pagtutulungan sa pamamagitan ng pagsuporta ng bansa sa kanilang migrant workers’ welfare at pagsuporta ng Canada sa pagpapaunlad ng ating likas na yaman.
Ayon kay Canadian Deputy Foreign Minister Leonard J. Edwards, ang mga Pilipino ang pangatlong pinakamalaking migrants sa Canada at pinasalamatan nito sa kanilang kontribusyon sa patuloy na pag-unlad ng kanilang bansa kung kaya’t sila ay bukas para sa paghahanapbuhay at paglilipat ng mga migrants dito.
Tinanggap naman ni Foreign Affairs Secretary Alberto Romulo ang tulong na ibinigay ng Canada para sa environmental projects ng bansa lalong lalo na sa pagmimina.
Ayon pa kay Romulo, ang Canada ay may malawak na kaalaman sa pagmimina kung kaya’t malaki ang maitutulong nito sa bansa upang madagdagan ang ating kaalaman habang pinapaunlad ang mga likas na yaman at kapaligiran ng bansa. (Lgtomas/PIA 12) [top]