Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 24 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/09/04

Tagalog News: Sorsogon nagdiriwang ng 107th Philippine civil service anniversary

Sorsogon Province (4 September) -- Pinagunahan ng Civil Service Commission (CSC) Sorsogon Field Office ang inisyal na mga aktibidad ngayong araw bilang pambungad na selebrasyon ng ika-107 na anibersaryo ng Philippine Civil Service.

Ito ay bilang tugon sa memorandum circular na nilagdaan ni CSC Chairperson Karina Constantino-David at bilang bahagi ng pakikiisa ng lalawigan ng Sorsogon sa selebrasyong isinasagawa rin ngayong buwan ng Setyembre ng mga kawani ng pamahalaan sa buong bansa.

Kaninang alas-syete y medya ay sinimulan ang selebrasyon sa pamamagitan ng banal na misa na sinundan kaagad ng pagtataas ng bandila ng Pilipinas at isang simpleng programa sa pangunguna ni Director Roy Tobias M. Mata ng CSC Sorsogon Field Office.

Aktibo ang naging partisipasyon ng mga kawani mula sa iba't-ibang mga ahensya mula sa national government agencies and bureaus, local government units, government-owned and controlled corporations kabilang na rin ang nag-iisang state college dito sa lalawigan ng Sorsogon.

Tampok sa month-long celebration ang regional launching ng Green Philippines, isa sa environmental agenda ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na gaganapin sa September 11 sa munisipyo ng Prieto Diaz, Sorsogon.

Kabilang din sa mga gaganaping aktibidad ngayong buwan ang raffle draw, pagbisita sa Home for the Aged at konsultasyon at pakikipagdayalogo sa Sorsogon Provincial Council of Personnel Officers.

Ayon kay Sorsogon Governor Sally A. Lee sa kanyang mensahe kanina, napapanahon ang tema ng selebrasyon ngayong taon ang: "Itaguyod ang kasarinlan ng Career Service" kung saan, aniya, upang malubos ito ay kinakailangan ang pagkakaisa at pagtutulungan ng mga kawani ng pamahalaan at ng Civil Service.

Idineklara rin ng alkalde kanina ang Public Governance System Program, isang bagong programa ng provincial government kung saan bubuuin, aniya, ang Public Governance Office at ang bawat ahensya ng pamahalaan ay bubuo rin ng isang road map for development na siyang magiging gabay ng bawat ahensya at mga empleyado upang maibigay ang kaukulang serbisyo publiko.

Sa ngayon, sabi pa niya, upang maisakatuparan ito, susundan ng provincial government ang temang, "one path, one nation, one vision". Aasahan din ang pagsasagawa ng mga workshops at seminars na tatalakay kung ano talaga ang papel na ginagampanan ng isang public servant.

Hinimok din niya ang mga kawani ng pamahalaan na pag-aralang muli ang Panunumpa ng isang kawani ng pamahalaan, sapagkat ayon pa sa kanya, ito ay isang wake-up call upang i-assess an gating mga sarili bilang manggagawa ng pamahalaan.

At bilang pagtatapos, nag-iwan siya ng isang katanungan sa mga manggagawa: Ano diumano ang inyong nagawa sa bayan bilang mga kawani ng pamahalaan? (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Davao TF meets for food fortification enforcement
»PNPA holds Cadet Admission Tests
»107th CSC anniversary starts
»Region XI soon to open Language Skills Institute
»Feature: Nanning city, Davao's new friend
»New IGACOS resort project links up with community
»JIB Academy to promote welding profession
»CV remains free of bird flu, FMD
»PGMA goes to APEC with good news on RP economy
»PGMA's Statement at the 50th anniversary Celebration of the Social Security System
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines