Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 20 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/09/04

Tagalog News: Distance learning project ng Sorsogon nirerebisa

Sorsogon Province (4 September) -- Pinag-aaralan ngayon ng lokal na pamahalaan ng probinsya ng Sorsogon ang posibilidad ng muling paglulunsad ng Sorsogon Distance learning Center Project (SDLCP), isang proyekto ng lokal na pamahalaan na sumusuporta sa programa ng pamahalaang nasyunal na naglalayong mapataas ang antas ng edukasyon sa bansa.

Ang operasyon ng SDLCP ay naputol matapos na mapinsala ang satellite at computer equipment nito ng mga malalakas na bagyong nagdaan noong nakaraang taon.

Sa direktiba ni Sorsogon Governor Sally A. Lee, si Executive Assistant Librada H. Esplana ang itinalaga upang i-evaluate ang naturang programa ayon sa kanyang platform of government, hindi lamang upang itaas ang antas ng kasanayan ng mga Sorsoganon kundi bilang mabisang paraan upang makalikha ng trabaho.

Noong nakaraang linggo ay nakipagpulong si Esplana kay Dr. Enrico T. Velasco, kinatawan ng First Education and Training Ventures, Inc. (FETVI) upang talakayin ang mga pamamaraan upang maipagpatuloy ang nasabing programa.

Ilan sa mga ikinokonsiderang rekomendasyon upang maipagpatuloy ang SDLCP ay ang pagtatatag ng Project Board na siyang mangunguna sa operasyon, kabilang na ang paglalagay ng angkop na mga tauhan sa pakikipagtulungan sa host LGU nito. Pinag-aaralan din ang praktikalidad ng naturang proyekto.

Ang SDLCP ay unang itinatag ni dating Sorsogon Governor Raul R. Lee sa pakikipagtulungan nito sa FETVI bilang isang tulungang gawain ng mga pangunahing stakeholders mula sa formal at non-formal education sector. Ito ay may layuning makapagbigay ng mura subalit de-kalidad na edukasyon at programa sa pagsasanay sa mga mamamayan na nasa malalayong lugar sa pamamagitan ng two-way/interactive at multi-media format gamit ang broadband satellite communication.

Kabilang sa mga kursong mapagpipilian sa ilalim ng SDLCP ay ang information technology and computer hardware fundamentals, fundamentals of operating systems at web development. Ang De La Salle University ang nagsisilbing education content provider nito.

Ilan pa sa mga institusyong kinunkunsidera na maging katuwang sa programa ay ang University of the Philippines at ang Ateneo de Manila University.

Sa pakikipagtulungan naman sa Technology and Livelihood Resource Center (TLRC) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), handog din ang kursong may kinalaman sa Livelihood and Skills Development.

Maliban sa education at training component nito, ang programa ay dinesenyo rin upang makapagbigay ng murang serbisyo sa telepono para sa mga overseas o long distance calls, internet café at International Satellite Provider (ISP) Services sa mga interesadong ahensya at call center projects ng pamahalaan.

Ang mga serbisyo ng SDLCP ay nakatakdang ibigay sa mga malalayong lugar ng Sorsogon City, Bulan at Pilar.

Noong nakaraang taon, maraming mga mag-aaral mula sa mga lugar na nabanggit ang nakapag-enrol sa inisyal na kursong information technology and computer fundamentals. Libreng ibinigay ang unang module na nagresulta sa enrolment ng 120ng mag-aaral sa Sorsogon City, 53 sa Bulan at 80 sa Pilar.

Subalit kinailangang suspindihin ang operasyon ng naturang programa sanhi ng mga perwisyong idinulot dito ng nakaraang mga bagyo.

Sa ngayon, kumpyansa pa rin si Governor Sally Lee na kapaki-pakinabang pa rin kung maipagpapatuloy ang nasabing programa.

Ayon pa sa gobernador malaki ang pangangailangan sa mga call centers agents at medical transcriptionists sa ngayon, sa industriya ng Information Technology. Malaking kasalanan, aniya, sa mga Sorsoganon na tanggihan ang anumang oportunidad na naglalayong makapagbigay ng magandang trabaho para sa mga ito. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Davao TF meets for food fortification enforcement
»PNPA holds Cadet Admission Tests
»107th CSC anniversary starts
»Region XI soon to open Language Skills Institute
»Feature: Nanning city, Davao's new friend
»New IGACOS resort project links up with community
»JIB Academy to promote welding profession
»CV remains free of bird flu, FMD
»PGMA goes to APEC with good news on RP economy
»PGMA's Statement at the 50th anniversary Celebration of the Social Security System
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines