Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 15 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/09/04

Tagalog News: Pagpapaliban ng barangay at SK elections sa 2009

by AC Agad

Koronadal City (4 September) -- Inaprubahan na ng House of Representatives committee on Suffrage and Electoral Reforms na pinamumunuan ni Makati Representative Teodoro Locsin Jr. ang panukalang pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa ikalawang Lunes ng Mayo 2009. Una na itong itinakda sa October 29, 2007.

Ayon kay Locsin, ang panukala ay ang pinag-isang version ng labintatlong (13) magkaibang proposal ng ibang miyembro ng mababang kapulungan at sinuportahan din ng mga opisyales ng Commission on Elections (COMELEC), Liga ng mga Barangay at Sangguniang Kabataan. Ito umano ay inaasahang pagdedebatihan at ipapasa sa susunod na linggo.

Maraming kongresista umano ang nagpahiwatig na ang pagpapaliban ng barangay election sa susunod na taon ay para sa national interest at isang practical money-saving measure na tutulong sa pagbabawas ng pressure sa fiscal position ng pamahalaan, pagkatapos itong gumastos nang malaki noong May elections.

Matatandaang ipinasa ang Republic Act 9164 para sa barangay at SK elections noong July 2002 at iba pang susunod na elections na gagawin sa huling Lunes ng buwan ng Oktubre pagkatapos ng tatlong taon. Subalit sa pamamagitan ng Republic Act 9340 ang nasabing election noong 2005 at nai-reset sa Oktubre ngayong taon.


Pagpapaliban sinuportahan ni Cong. Pingoy

Sinusuportahan ni South Cotabato 2nd District Representative Arthur Y. Pingoy ang panukalang pagpapaliban ng halalan sa barangay at sangguniang kabataan na nakatakdang idaos sa Oktubre ng taong kasalukuyan.

Ayon kay Piingoy, isang practical move ang pag-reset ng nasabing halalan sa Mayo 2009, dahil malaking dagok umano sa pamahalaan ang panibagong gastusin para sa isa pang halalan makaraan ang senatorial at local elections noong Mayo.

Aabot umano sa P2.8 hanggang P3.3 bilyon na magmumula sa pera ng mga taxpayer ang magagastos sa bagong eleksyon sa darating na Oktubre.

Inihayag rin ni Dr. Pingoy na ang pagpaliban ng naturang halalan ay pinagkaisahan ng mga miyembro ng Mababang Kapulungan maka-adminstrasyon man at oposisyon, kung kayat umaasa itong ito ay maipapasa sa susunod na linggo. Karamihan din umano sa mga lokal na opisyal ng lalawigan na kanyang kinunsulta ay pabor sa pagpapaliban ng barangay at SK elections. (PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Davao TF meets for food fortification enforcement
»PNPA holds Cadet Admission Tests
»107th CSC anniversary starts
»Region XI soon to open Language Skills Institute
»Feature: Nanning city, Davao's new friend
»New IGACOS resort project links up with community
»JIB Academy to promote welding profession
»CV remains free of bird flu, FMD
»PGMA goes to APEC with good news on RP economy
»PGMA's Statement at the 50th anniversary Celebration of the Social Security System
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines