Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 17 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/09/04

PGMA's Statement at the National Security Council-Cabinet Group Meeting

Aguinaldo State Dining Room, September 4, 2007

Mga kababayan, hindi man gaanong nababalita, nagdaragsaan na ang mga positibong ulat ng mga eksperto tungkol sa kagila-gilalas na paglago ng ating ekonomiya, pinakamalakas sa dalawang dekada. Mangyari, nagaganap na sa Pilipinas ang uri ng growth rate na ipinamalas ng Japan, Korea, Hong Kong, Singapore at Tsina: mahigit 7% ang paglago ng ekonomiya at 10% ang pagtaas ng pamumuhunan o investment. Ito ang itinuro ng Asian Development Bank na susi sa paglaya ng bansa sa hirap. Sama-sama nating ituloy ito, at maaabot ng Pilipinas ang kasaganaan at kaunlaran, gaya ng ating mga kalapit-bansa.

Sa pagsisikap nating ito, mahalagang pag-ibayuhin ang ating mga reporma sa ekonomiya, lalo na ang pagkolekta ng tamang buwis, upang mabalanse ang budget, lalong mapalakas ang investment, at mapondohan ang imprastraktura, paaralan, pagamutan, pabahay, patubig at iba pang serbisyong bayan.

Mahalaga rin sa investment ang kapayapaan at katatagan ng bansa, upang mapanatag ang mga investor at lalo silang mamuhunan at lumikha ng trabaho. Kaya naman pinulong natin ngayon ang mga liga ng gobyernong lokal at ang ilang pinunong relihiyoso, kasama ang Gabinete, upang ilunsad ang plano para sa mga inisyatibong pangkapayapaan sa iba't ibang rehiyon ng bansa.

Kasama ng balangkas pangkapayapaan ang amnestiya at kabuhayan para sa mga rebeldeng ibig bumalik sa panig ng batas. Kalahating bilyong piso ang paunang pondo rito, upang mabilis na itanim ang matibay na kapayapaan at seguridad sa mga rehiyon, sa pangunguna ng mga pinunong lokal at relihiyoso, at katulong ang buong gobyerno ng bansa.

Sa mga dekadang nagdaan, nagkaroon din ng pagkakataong ganito ang ating bansa, subalit dahil sa mga ligalig sa politika, natakot ang mga investor at nahinto ang pag-unlad. Ngayon, bumabalik na ang capital at negosyo, at dapat tayong magkapit-bisig upang wakasan na ang hidwaan, ligalig at dahas na tumakot sa mga mamumuhunan noon.

Ito ang kailangan ng bayan ngayon: reporma sa ekonomiya, kapayapaan sa bansa at panatag na politika, upang isulong ang pamumuhunan ng gobyerno, negosyo at mundo sa sambayanang Pilipino. (OPS) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Davao TF meets for food fortification enforcement
»PNPA holds Cadet Admission Tests
»107th CSC anniversary starts
»Region XI soon to open Language Skills Institute
»Feature: Nanning city, Davao's new friend
»New IGACOS resort project links up with community
»JIB Academy to promote welding profession
»CV remains free of bird flu, FMD
»PGMA goes to APEC with good news on RP economy
»PGMA's Statement at the 50th anniversary Celebration of the Social Security System
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines