Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 15 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/09/06

Tagalog News: Sorsogon naghahanap pa rin ng solusyon sa suliranin sa red tide

by Bennie A. Recebido

Sorsogon Province (6 September) -- Patuloy ang isinasagawang aksyon at ang paghahanap ng solusyon ng lokal na pamahalaan ng probinsya ng Sorsogon ukol sa matagal nang kinakaharap na suliranin ng mga mamamayang apektado ng red tide sa Sorsogon Bay.

Noong nakaraang linggo ay isinagawa sa Governor's Office Training Hall ang isang pagtitipon na pinangunahan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at Department of Agriculture na nilahukan ng iba't-ibang mga lokal na ahensya, media, hepe ng iba't-ibang departamento sa kapitolyo probinsyal at iba pang mga personalidad mula sa tanggapan ng gobernador.

Ang nasabing okasyon ay nagbigay-daan upang maipaliwanag ang dahilan ng red tide toxin organism na nasa look ngayon ng Sorsogon.

Ayon sa mga eksperto sa pangunguna ni Dr. Ulysses Montojo, dalubhasa sa larangan ng Harmful Algal Bloom (HAB) toxin chemistry at oceanography, nagsimula diumano, ang red tide sa Papua New Guniea noong taong 1972 at dala ng ocean current nakarating ang nasabing organismo sa Pilipinas noong taong 1983 na una nang tumama sa Samar area.

Noong 1988, nairehistro naman ang kauna-unahang insidente ng red tide sa Manila Bay at nakita sa pag-aaral na ang specie ng red tide organism na naroroon ay nagmula sa Saba, Malaysia na kumalat sa karagatan nito noong taong 1976.

Nilinaw naman ng kinatawan ng BFAR at ng marine biologists na naroroon din sa pagpupulong, na sa sandaling magkaroon na ng red tide sa isang lugar, hindi na ito basta-basta maaalis. Ang magagawa na lamang nila ay manmanan ang pagbaba ng toxicity level nito sa antas na maaaring tanggapin ng katawan ng tao at hindi ito mapeperhuwisyo ng lason na galing sa red tide.

80 microgram per 100 grams of shellfish meat ang tolerable level ng red tide toxin na itinalaga ng World Health Organization (WHO), subalit sa Pilipinas, 40 microgram per 100 grams of shellfish meat lamang ang sinusunod na tolerable limit na kunsiderado pa rin ng WHO.

Ayon pa sa kanila, marami ang uri ng organismo ng red tide sa buong mundo, maging dito rin sa Pilipinas. Sinabi rin nila na nagkataong ang pinakafatal o delikadong uri ng red tide ang naririto ngayon sa look ng Sorsogon na nagdadala ng Paralytic Shellfish Poisoning o PSP na siguradong nakamamatay.

Balak naman ng nasabing mga eksperto na bisitahin ang mga palaisdaan sa limang munisipyo pati na ang mga contributory rivers o mga ilog na ang agos ay papunta sa Sorsogon Bay. Ang limang munisipyong ito ay kinabibilangan ng Juban, Castilla, Casiguran, Magallanes at ang Sorsogon City.

Sinabi rin nila na ang sobra o tirang mga pakain sa isda sa fishponds na sumasa ma sa agos ng tubig patungo sa karagatan o sa Sorsogon Bay at ang paghalo nito sa putik ang isa rin sa mga dahilan ng pagtaas ng bilang ng organismo ng red tide.

Inirekomenda ng naturang mga eksperto ang pagkakaroon ng konkretong programa ng BFAR at DA sa probinsya upang mas mapaigting pa ang pagmamanman sa Sorsogon Bay at hiniling rin nila ang suporta ng bawat local government units na nakapalibot sa Sorsogon Bay.

Ang nasabing programa ay makakukuha ng P200,000 na tulong mula sa pamahalaang probinsyal sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon. (PIA Sorsogon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Feature: Deafness, a leading disability in RP
»KALAHI-CIDSS gains acceptance
»Two avian flu laboratories upcoming for Mindanao
»Davao City joins celebration of Software Freedom Day
»Davao mango producers ask gov't to assist in marketing contracts
»Davao Oriental starts facelift of hospitals
»RDC XI recommends measures to preserve Kapatagan as part of Mt. Apo protected area
»Butuan sets PCL federation polls, LLA awarding
»77 hurdle civil service exam in Caraga
»Shellfish and alamang banned
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines