Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 22 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/09/06

Tagalog News: Selebrasyon ng World Rabies Day gaganapin sa September 8

by Bennie A. Recebido

Sorsogon Province (6 September) -- Hiningi ng Department of Agriculture Regional Field Office No. 5 ang suporta ni Sorsogon Governor Sally A. Lee sa pag-obserba sa araw ng Setyembre 8 bilang "World Rabies Day". Ang selebrasyon ay may temang: "Working Together to Make Rabies History."

Ayon kay OIC Regional Executive Director Jose V. Dayao ng DA sa sulat nito sa gobernador, hinihikayat niya ang Provincial Veterinary Office na magsagawa ng iba't-ibang mga aktibidad gaya ng Dog Walk, Fun Run, symposium, parada, community outreach education program, working dog demonstrations, libreng eksaminasyon ng mga aso kasama na ang anti-rabbies vaccination, animal carnival, information booths, vendor booths, pet parade o pet costume contest at iba pang aktibidad ayon sa inisyatibo ng local veterinary office.

Ang Septembre 8 ay deklarado ng Alliance for Rabies Control at ng World Health Organization (WHO) bilang "World Rabies Day" kung saan ninanais ng nasabing mga ahensya sa pamamagitan ng Department of Agriculture na mapataas ang kamalayan at maturuan ng tamang impormasyon ang publiko ukol sa lumalalang kaso ng rabies sa buong mundo, kung saan umaabot na sa limapu't-limang libo (55,000) katao na ang nangamatay dahilan sa kagat ng aso na karamihan ay mga batang edad labinlimang taon pababa.

Matatandaang nilagdaan ng pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang RA 9482 o ang Anti-Rabies Act of 2007 nitong nakaraang Mayo 25, 2007 kung saan nakapaloob dito ang eliminasyon ng rabies na mapanganib sa buhay ng hayop at ng tao. Kasama ring nakapaloob sa naturang batas ang pondong ipalalabas para sa programang ito at mga penalidad para sa sinumang lalabag nito.

Sa panayam ng PIA Sorsogon kay Provincial Veterinarian Dr. Enrique Espiritu, sinabi nitong sa kasalukuyan, ang probinsya ng Sorsogon ang may pinakamababang insidente ng rabies sa buong rehiyon ng Bicol.

Subalit magkagayon man, ayon kay Espiritu, nananawagan pa rin siya sa mga dog owners na iparehistro, pabakunahan at itali ang kanilang mga alagang aso. At sa mga local government units naman, na magpasa at ipatupad ang mga ordinansang may kinalaman sa population at movement control ng mga aso, pagmamantini ng mga dog pounds at paglalagay ng kaukulang badyet para sa animal at human vaccines.

Nagpahayag din ng pagkalungkot si Espiritu sa pagkakabinbin ng isang resolusyon na magaamyenda sana sa rebisadong Provincial Ordinance No. 24 o mas kilala sa tawag na Provincial Anti-Rabies Ordinance of 1991.

Ang nasabing ordinansa na una nang inamyendahan ng Provincial Ordinance No. 4 series of 1993, ay malabo nang maipatupad, ayon kay Espiritu, dahilan aniya, sa pagkabigong maisapubliko ito 15 araw matapos na aprubahan ito noong nakaraang taon.

Samantala, nagpahayag naman ni Sorsogon Governor Sally A. Lee na sa ilalim ng kanyang administrasyon, buo ang ibibigay niyang suporta sa programang ito at inaasahan niyang magiging mulat na ang mga mata ng mga mamamayan sa panganib na dala ng rabies.

Hinihiling rin niya sa mga dog owners na maging responsable at sumunod sa mga ipinatutupad na tuntunin o batas lalo na ang anti-rabies law. (PIA Sorsogon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Feature: Deafness, a leading disability in RP
»KALAHI-CIDSS gains acceptance
»Two avian flu laboratories upcoming for Mindanao
»Davao City joins celebration of Software Freedom Day
»Davao mango producers ask gov't to assist in marketing contracts
»Davao Oriental starts facelift of hospitals
»RDC XI recommends measures to preserve Kapatagan as part of Mt. Apo protected area
»Butuan sets PCL federation polls, LLA awarding
»77 hurdle civil service exam in Caraga
»Shellfish and alamang banned
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines