Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 21 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/09/12

Tagalog News: MIMAROPA Regional Government Center, maaring sa Oriental Mindoro itayo

Mimaropa (12 September) -- Maaaring sa Oriental Mindoro, partikular sa syudad ng Calapan, maitayo ang ipinanunukalang Regional Government Center ng MIMAROPA region.

Ito ay batay sa rekomendasyon ng binuong technical working group para sa pagtatatag ng nabanggit na sentro na kinabibilangan ng NEDA, DBM, DPWH, DENR, DAR at isang kinatawan ng pribadong sector sa regional development council.

Sa 21st RDC Full Council Meeting sa Quezon City noong huling linggo ng Agosto, nagpahayag ng tuwa si Gobernador Arnan C. Panaligan sa lumabas na rekomendasyon at nagsabing handa ang lalawigang balikatin ang mga responsibilidad upang sa Oriental Mindoro maitayo ang Regional Government Center.

"Matapos ang halos limang taon simula nang mabuo ang MIMAROPA region at pinag-uusapan ang pagtatatag ng regional government center, ngayon ay mayroon na tayong napasimulang hakbang. Marami pang proseso ang pagdaraanan natin. Marami pang pagpaplano ang kailangan nating gawin. Ang mahalaga na may pinakapotensyal para maging government center," pahayag ng Gobernador.

Ang mga islang lalawigan ng MIMAROPA, maliban sa Palawan, ay nagpahayag ng kani-kanilang interes na sa kani-kanilang lalawigan maitayo ang regional government center.

Sa pagtatasa ng binuong technical working group, luimabas na ang Oriental Mindoro ang may pinakapotensyal na pagtatayuan ng regional government center. Sa pag-aaral, lumabas na ang Oriental Mindoro ang may pinakamagandang lokasyon na malapit sa Maynila kaysa ibang lalawigan sa rehiyon. Sa Oriental Mindoro rin ay mayroong maayos na kuryente, tubig, komunikasyon, ospital, paaralan, simbahan at iba pang mga pasilidad. Kumpara sa ibang lalawigan, mas mababa rin ang halaga ng mga serbisyong kinakailangan para sa pagpapatayo ng negosyo. At katulad sa ibang mga islang lalawigan, tahimik at payapa ang Oriental Mindoro.

Ang may limang ektaryang lupa sa barangay ng Sta. Isabel sa syudad ng Calapan ang iminumungkahing pagtatayuan ng sentro. Nakahanda ang Oriental Mindoro na maglaan ng mas malaking lugar kung sakaling kailanganin ito para sa ekspansyon. Karatig ng pagtatayuan ng regional government center ang itatayong Oriental Mindoro Medical Center na magkakaloob ng "tertiary health care amenities" sa mga mamamayang Mindoreņo.

Ang nasabing proyekto ay maisasakatupara sa pagtutulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro at Pamahalaang Lungsod ng Calapan. (PIA-MMIO) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»DTI bans extra charges on credit card sales
»Peace talks to involve local stakeholders
»Geothermal power: RP's answer to global warming
»Wellness industry does brisk business in Davao
»Mindanao takes in P4.3Bn in investments
»Davao Oriental hosts 1st "Surf n' Skimboarding Safari"
»Commentary: September 12 is national day of prayer for peace and reconciliation
»Candidates for barangay, SK elections may campaign only 7 days before October 29 elections
»Leyte chamber invites participants to free seminars during Leyte business month
»Region 8 administrators embark on "REAL" service thru outreach program
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines