Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 20 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/09/17

Tagalog News: Pagpili sa kinatawan ng Young Filipino farmers sa Japan nasa proseso na

by Bennie A. Recebido

Sorsogon Province (17 September) -- Pinoproseso na ngayon ng tanggapan ng Provincial Agriculturist ang paghahanda para sa magiging kinatawan ng Young Filipino Farmers Training Program na gagawin sa bansang Japan sa susunod na taon.

Ayon kay OIC Provincial Agriculturist Jaime Timajo, ang mapipili ay mabibilang sa Batch 2008 ng nabanggit na programa o mas kilala sa tawag na YFTTPJ Program.

Aniya, ang YFTTPJ program ay ang katumbas na bersyon ng ASEAN Young Farmers Training Program. Ito rin ang programang ipinangako ng bansang Japan upang matulungan ang mga mamamayan ng kanilang kalapit-bansa sa rehiyon ng Asya partikular yaong mga agrikultural na bansa upang mas mapalago ang kaalaman nito ukol sa pagsasaka.

Sinabi pa ni Timajo na ang naturang training program ay tutututok sa pag-aaral at sa pagbibigay kaalaman sa mga mapipiling kabataan bilang mga Young Farmer Leaders sa Pilipinas.

Tatagal ang Young Filipino Farmers Training Program sa loob ng labing-isa hanggang labingdalawang buwan sa pangangalaga ng Japanese Host Farmers.

Ang mga detalye ring ito ang nakapaloob sa sulat na ipinadala ni OIC-Regional Executive Director Jose V. Dayao ng Department of Agriculture Regional Office sa tanggapan ni Sorsogon Governor Sally A. Lee.

Nabanggit din sa sulat na ang magiging benepisyaryo ng naturang training program ang magiging frontliners sa pagtatatag at pagkikilala sa mga kabataang magsasaka sa probinsya.

Ayon kay Dayao, pinadalhan nila ng kaukulang guidelines ang bawat munisipyo at ang screening committee ay binuo ng Provincial Agriculturist bilang Chairperson, ang PAFC naman ang tumayong Co-Chairperson, Secretariat ang Provincial FYDP Coordinator habang ang 4-H Club Provincial Federation President at ang PAFC Coordinator ang nagsilbing mga miyembro nito.

Noong nakaraang linggo ay isinagawa ang eksaminasyon para sa mga interesado at kwalipikadong aplikante sa pangunguna ng Regional Selection Committee.

Sa siyam na kumuha ng eksaminasyon, lima ang mapalad na pumasa. Tatlo sa limang ito ay mula sa Bacon District, Sorsogon City habang ang dalawa ay mula naman sa Pilar, Sorsogon.

Sa darating na Miyerkules, September 12, naman gagawin ang regional examination kung saan lima ang pipiliing magiging kwalipikado para sa gagawing national examination at interview.

Mula sa mga ito, ay pipili ng tatlong kakatawan mula sa Bicol region para sa gagawing Young Filipino Farmers Training Program sa bansang Japan sa darating na 2008. (PIA Sorsogon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Seaweed forum underscores need for co-management in seaweeds industry dev't
»Cebu endorses qualifiers for Nat'l Search for Outstanding Volunteer
»Capiz' barangay power association meter readers undergo seminar
»"Gulayan" supports hunger mitigation program
»Pangasinan entrepreneurs support SMEs
»Pangasinan school official favors frat abolition
»Gov. Barbers: Justice is served on Erap's conviction
»DepEd exec to launch Strive Project in Cebu
»MBLT-6 conducts blood letting in Basilan
»Commentary: Procurement transparency bodies
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines