Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 18 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/09/17

Tagalog News: Sorsogon patuloy ang pagtugon sa epekto ng tagtuyot

by Bennie A. Recebido

Sorsogon Province (17 September) -- Isa ang Sorsogon sa mga deklaradong probinsya na apektado ng dry spell kung kaya't patuloy ang pagsisikap ng tanggapan ng Provincial Agriculturist na matulungan ang mga magsasaka na mapataas ang kanilang produksyon at upang kahit paano'y matugunan ang epekto ng tagtuyot sa kanilang pananim at produksyon.

Sa isang panayam kay OIC Provincial Agriculturist Jaime Timajo, sinabi nitong naipamahagi na nila ang halos ay 2,186 na certified palay seeds sa iba't-ibang mga munisipyo sa buong lalawigan.

Patuloy din ang pagbibigay ng tulong teknikal ng mga tauhan ng OPA-Engineering Department upang magkaroon ang mga magsasaka ng improvised shallow tube wells na maaaring daluyan ng tubig para sa kanilang pananim partikular doon sa mayroong mga mapagkukunan ng tubig para sa kanilang irigasyon.

Nagpahayag naman ng pagkalungkot si Timajo dahilan sa pagkabigo ng mga rain-fed farmers na maitanim ang kanilang mga binhing palay sanhi ng patuloy na mainit na temperatura, dahilan upang magkaroon ng epekto sa produksyon ng palay sa probinsya.

Bunsod nito, pinayuhan ni Timajo ang mga magsasaka na subukan ang alternate cropping gamit ang hybrid corn, gulay at iba pang dry-season crops tulad ng mani at monggo.

Hinikayat din niya ang iba pang mga magsasaka ng palay na magtanim ng short-maturing hybrid rice at dry-seeded varieties upang mapanatili ang kanilang produksyon kahit pa magpatuloy ang tag-init.

Sa ngayon, aniya, sa ilalim ng kanilang quick turn around program, ay nakapamahagi na rin sila ng 270 bags ng certified seeds sa probinsya ng Sorsogon at sinimulan na rin ang pagtatanim nito noong nakaraang Agosto na magpapatuloy pa rin hanggang ngayong buwan ng Setyembre.

Ang Sorsogon City ang unang nagsagawa ng pagtatanim at inaasahang makapag-aani na ang naturang mga magsasaka ng palay sa darating na Disyembre ngayong taon.

Sinabi rin ni Timajo na natitiyak niyang magpapatuloy pa ang ganitong pag-iiba ng takbo ng panahon at temperatura kung kaya't kinakailangang handa, aniya, ang bawat isa sa atin sa ganitong mga klaseng sitwasyon.

Binalikan din niya ang kahalintulad na pangyayari noong taong 1975 kung saan, ayon sa kanya, ay nagkaroon na rin ng ganitong sitwasyon at sa positibong pananaw ng mga Pilipino at sa pamamagitan ng pagtatanim din ng mga drought-resistant at alternate crops, nalampasan ang krisis.

Positibo si Timajo na magagawang muli ito ng mga Sorsoganon kung kaya't hinikayat niya ang mga magsasaka na maging self-reliant at huwag iasa ang lahat sa pamahalaan bagkus ay tulungan din ito sa mga suhestyong ibinibigay at programang ipinatutupad nito. (PIA Sorsogon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Seaweed forum underscores need for co-management in seaweeds industry dev't
»Cebu endorses qualifiers for Nat'l Search for Outstanding Volunteer
»Capiz' barangay power association meter readers undergo seminar
»"Gulayan" supports hunger mitigation program
»Pangasinan entrepreneurs support SMEs
»Pangasinan school official favors frat abolition
»Gov. Barbers: Justice is served on Erap's conviction
»DepEd exec to launch Strive Project in Cebu
»MBLT-6 conducts blood letting in Basilan
»Commentary: Procurement transparency bodies
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines