Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 24 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/09/17

Tagalog News: NFA Sorsogon may sapat na supply ng bigas

by Bennie A. Recebido

Sorsogon Province (17 September) -- Pinabulaan ni Cesar Barcelona, Manager ng National Food Authority sa lalawigan ng Sorsogon ang kumakalat na balitang mayroong kakulangan ng supply ng NFA rice dito.

Ayon sa kanya, tinitiyak ng NFA sa mga kunsumidor na mayroong kaukulang supply ng bigas hanggang sa katapusan ng taong kasalukuyan. Ito ay matapos na lumabas ang mga isyu ng posibleng pagkakaroon ng kakulangan sa supply ng bigas dahil sa mahabang dry spell period at mga pagbahang naranasan sa ilang mga rice-producing provinces sa bansa.

Sa ngayon, ani Barcelona, dumating na ang inaasahan nilang mahigit sa dalawang-daang libong kaban ng bigas mula sa bansang Vietnam na paghahati-hatian ng anim na probinsya sa rehiyong Bicol. Kung saan 35,000 kaban ng bigas ang mapupunta sa lalawigan ng Sorsogon.

Sinabi rin ng opisyal na bilang tugon sa kahilingan ng mga rice retailers magpapalabas sila ng 10-15 sako ng bigas sa mga Tindahan Natin operators sa buong lalawigan. Naglagay na rin sila ng dalawa pang karagdagang NFA outlets sa palengke ng syudad ng Sorsogon kung kaya't mayroon na itong apat na outlets sa ngayon. Pinababantayan rin nila ito sa kanilang Palengke Watch mula alas-otso ng umaga hanggang alas-sais ng gabi upang maiwasan ang pagsasamantala ng ilang mga negosyante.

Ayon pa sa kanya, bilang bahagi rin ng transparency effort ng tanggapan ng NFA Sorsogon, ay nagpalabas na rin sila ng listahan ng mga Tindahan Natin outlets at Bigasan operators sa iba't-ibang media outlets dito partikular sa mga istasyon ng radyo upang araw-araw ay masubaybayan ng mga mamimili at malaman nila ang eskedyul ng pagpapalabas ng NFA rice. Hiningi rin ni Barcelona ang tulong ng mga mamamahayag upang regular na maipaabot ang mga kaganapan pabor sa mga kunsumidor ng bigas galing sa NFA.

Inihayag din ni Barcelona na ang mababang produksyon ng bigas ang pangunahing dahilan kung bakit nagkaroon din ng biglaang pagtataas sa presyo ng mga commercial rice hindi lamang sa lalawigan ng Sorsogon kundi maging sa ibang dako rin ng bansa.

Sinabi pa niya na nagdagdag na rin sila ng bilang ng sako ng bigas na ipamamahagi sa Sorsogon City, Juban, Irosin at Casiguran subalit nililimitahan din nila mula sa isa hanggang dalawang kilo lamang ang bigas na maaaring mabili upang, aniya, ay mas maraming kunsumidor ang mapagbigyan. Sa ngayon ay nagdispatsa na rin sila ng mga NFA rice rolling stores partikular sa munisipyo ng Juban at Casiguran ayon na rin sa hiling ng mga ito.

Dagdag din niya na kinakailangang imbentaryuhin ng maigi ang mga dumarating na bigas sa lalawigan at hindi sila maaaring magpaubos ng stock sa bodega, sapagkat, bahagi ng food security measure nila na sa panahon ng bagyo, pagputok ng bulkan at iba pang mga kalamidad ay agad-agad na may maipalalabas na supply ng bigas para sa mga biktima nito.

Umapela rin si Barcelona sa karakter at konsensya ng mga rice grain buyers at NFA rice outlets at sinabi nitong nawa'y maging patas ang bawat isa sa pagbibigay serbisyo sa mga Sorsoganon.

"I also appeal to the sense of patriotism of our constituents in the province of Sorsogon, sapagkat, ang NFA rice selling ay isang serbisyo publiko kung saan ang bigas na itinitinda natin ay para sa masa at sa mga mamamayan, kung kaya, nararapat lamang na ibenta natin ito sa tamang tao at sa tamang halaga. Ito ang gusto kong ipanawagan sa lahat upang matagumpay at matahimik nating maisakatuparan ang mga proyekto at programa ng pamahalaan," dagdag pa ni Bacelona. (PIA Sorsogon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Seaweed forum underscores need for co-management in seaweeds industry dev't
»Cebu endorses qualifiers for Nat'l Search for Outstanding Volunteer
»Capiz' barangay power association meter readers undergo seminar
»"Gulayan" supports hunger mitigation program
»Pangasinan entrepreneurs support SMEs
»Pangasinan school official favors frat abolition
»Gov. Barbers: Justice is served on Erap's conviction
»DepEd exec to launch Strive Project in Cebu
»MBLT-6 conducts blood letting in Basilan
»Commentary: Procurement transparency bodies
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines