Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 24 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/09/17

Tagalog News: Sorsogon adopts Fourmula One for health program

Sorsogon Province (17 September) -- Isa ang lalawigan ng Sorsogon sa mga mapalad na napabilang sa 2nd batch ng FOURmula One (F1) for Health Program na ipinatutupad ng Department of Health.

Ng F1 ay isang health reform agenda na naglalayong maituro ang mabilisan at kritikal na interbensyong pangkalusugan sa iba't-ibang sektor na may kaugnayan dito.

Matatandaang una nang ipinaliwanag ni Health Secretary Francisco Du ue III sa mga provincial executives ang F implementation framework na sumasaklaw sa local health systems development at public health reforms, kabilang na ang health financing.

Ayon ky Sorsogon Governor Sally A. Lee, ang pagpapatupad ng programang pangkalusugan na ito ay inaasahang makapagbibigay ng maayos at tamang pondo sa programang pangklusugan sa local levels, sa operasyon at pagmamantini ng mga pasilidad pangkalusugan at ang pagbubuo at pagpapatupad ng mga local legislations na may kaugnayan sa kalusugan, nutrisyon, sanitasyon at iba pang mga pangangailangang pangkalusugan.

Kamakailan lamang, ayon kay Lee, ay nagpadala ang pamahalaang lokal ng lalawigan ng mga kinatawan upang dumalo sa isinagawang Introductoty Course on Health Systems Reform sa Metro Manila, kung saan binigyang oryentasyon ang mga ito ukol sa naturang programa.

Kabilang sa mga kumatawan ay sina Executive Assistants Lorenzo Ubalde at Sylvia Lao, Dr. Gladys Escote ng Provincial Health Office at Hon. Jocelyn Y. Lelis, chairman ng Committee on Health ng Sangguniang Panlalawigan.

Ayon pa kay Lee, sa pamamagitan ng kursong ito ay mabibigyan ng kasanayan ang naturang mga kinatawan upang maipatupad ang F1 Health Program nang naayon sa Health Sector Reform Agenda ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Dagdag pa ni Lee na ang pagkakabilang ng Sorsogon sa F1 for Health initiative ay nangangahulugan ng maksimum na benepisyong pangklusugan ng mga Sorsognon. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Seaweed forum underscores need for co-management in seaweeds industry dev't
»Cebu endorses qualifiers for Nat'l Search for Outstanding Volunteer
»Capiz' barangay power association meter readers undergo seminar
»"Gulayan" supports hunger mitigation program
»Pangasinan entrepreneurs support SMEs
»Pangasinan school official favors frat abolition
»Gov. Barbers: Justice is served on Erap's conviction
»DepEd exec to launch Strive Project in Cebu
»MBLT-6 conducts blood letting in Basilan
»Commentary: Procurement transparency bodies
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines