Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 19 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/09/18

PGMA's Opening Statement during the NEDA Board Meeting

Malacaņang Aguinaldo State Dining Room, 18 September 2007

Mga kababayan, sa pagsulong ng ekonomiya at pag-angat ng kabuhayan, kailangan nating isulong ang pamumuhunan, lalo na sa imprastraktura at mga serbisyong bayan na lalong aakit ng investment at lilikha ng trabaho. Kaya naman pinulong natin ngayon ang neda board upang aprobahan at madaliin ang mga proyektong napakahalaga sa kaunlaran, kabilang ang expressway at tren, upang bumilis ang daloy ng tao at produkto sa kamaynilaan.

Kasama rin ng ating pagsusulong ng kaunlaran, kailangang pagtibayin ng pag-iral ng batas at panatag na politika. Ito ang hanap ng bawat investor. Nakita nila ito sa payapang pagtanggap ng bayan sa hatol ng sandiganbayan. Ngayon, batas din ang ating susundin sa paglutas ng iba pang usaping kaharap natin.

Iniaatas ko kay Secretary Mendoza ng DOTC na humarap at magpaliwanag sa Korte Suprema hinggil sa kaso ng National Broadband Network. Walang pamumulitika at batay sa ebidensiya ang mga proseso ng hukuman. Doon matitimbang nang wasto kung ayon sa batas at kapakanan ng bayan ang kasunduan.

Handa ring tumulong ang pamahalaan sa pagsisiyasat ng ombudsman sa mga paratang ng katiwalian na nakasampa na roon.

Sa demokrasya, natural lang ang magkatalong pananaw at posisyon. Ang mahalaga, may mga hukuman at proseso ng batas upang magdesisyon sa anumang di pagkakasundo sa payapang paraan ayon sa hustisya at ebidensya nang walang pamumulitika.

Mahalaga rin sa pag-akit ng kapital at pag-unlad ng lahat ng mamamayan ang kapayapaan. Dapat wakasan ang mga atake at pangingikil sa mga negosyong nagbibigay ng trabaho at serbisyo sa taong bayan. Inaatasan ko ang ating sandatahang lakas na pag-ibayuhin ang depensa sa mga paninira at pagpaslang ng mga kaaway ng bayan. Sa pakikibakang ito ng ating mga kawal, marapat igalang ang kanilang pamunuan at mga lihim militar, na napakahalaga sa pagtatanggol ng ating bansa.

Samantala, kailangang isulong ang pagkilos ng mga gobyerno at pamayanang lokal upang magpundar ng kapayapaan sa mga lalawigan, sa ilalim ng amnestiya at pagbabalik-loob ng mga dating rebelde. Sa hangarin nating ito, nananawagan tayo sa kongreso na bigyan ng agarang aksiyon ang ating proklamasyon ng amnestiya.

Mga kababayan, sumusulong na ang bansa sa landas ng progreso, katatagan, pag-iral ng batas, at pagtingala ng sandaigdigan. Pag-ibayuhin nating lahat ang mga layuning ito, pag-unlad, serbisyong bayan, at katatagan ng bansa sa mapayapa at demokratikong paglutas ng mga suliranin alinsunod sa batas.

Maraming salamat at mabuhay ang demokrasya at pag-iral ng batas sa ating bansa. (OPS) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Greenpeace opens GenSan photo contest
»Pampanga celebrates 107th civil service anniversary
»MDR required in availment of Philhealth benefits
»Consumer welfare pursued by Consumernet 3
»Pampanga SMEDC bats for stronger enterprises
»South East Asian Airlines flies to Pagadian City
»Murcia town turns over 6 ambulances to barangays
»Bacolod tanod receives award
»Corn harvests expected at 4.018-M MT in 2nd semester despite drought
»Forum on child labor slated today
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines