Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 24 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/09/20

Tagalog News: Pagbibigay ng pardon o Amnestiya kay Erap, tinuligsa

By Miriam P. Aquino

San Fernando City, La Union (20 September) -- Mariing tinuligsa kamakailan ng pribadong prosekyutor na si Leonardo De Vera, isa sa mga humawak ng kasong "plunder" ng dating pangulong Joseph Estrada, na ito'y mabigyan ng pardon o amnestiya dahil lalabas umanong "double standard" and ating sistema ng hustisya.

Tinuran ni De Vera na ang pagbibigay kay Erap ng amnestiya o kaya'y pardon ang tuluyang magpapalaya dito at lalabas na parang walang anumang nagawang kasalanan o krimen ang dating pangulo ngunit hindi umano ito isang garantiya na tuluyan ngang magkakaroon ng pagkakaisa na kagaya ng iminumungkahi ng mga kaalyado nito kung sakali.

Sa kabilang banda, inamin din ni De Vera na personal umano niya itong pananaw dahil hindi pa diumano nagkakaroon ng "consensus" ang mga pribado at pampublikong abogado sa kasalukuyan.

Ipinaliwanag pa ni De Vera na ang pardon ay isang "single act" ng pangulo samantalang ang amnestiya ay pinangungunahan ng pangulo ngunit nangangailangan pa rin ng pagsang-ayon ng mayorya sa Kongreso. Alin man sa dalawa, lalabas pa ring malinis at walang kasalanan si Erap, dagdag pa nito.

Dito sa ating lokalidad, marami ang pumapabor na makulong ang dating pangulo lalong-lalo na sa sektor ng mga negosyante, kasabay ng pagbibigay ng mga negatibong pananaw hinggil sa umano'y pagbibigay ng pardon o amnestiya sa dating opisyal.

Sa isang banda, mayroon din naming mga pumapabor at mga naaawa sa dating pangulo dahil lubhang matanda na rin umano ito kung patuloy pa ring makukulong at isinaalang-alang naman ng iba ang anila'y sa ngalan ng pagkakaisa at pagbubuklod ng mga pinoy upang patuloy na umusad ang ekonomiya. (PIA La Union) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»PNOC-AFC jatropha research on high gear
»Japan to absorb 1,000 IT Filipino workers this year
»LGUs support ESI mapping
»Mining areas in Comval attracts interest of NPAs
»Mindanao fares well in search for entrepreneur of the year
»Former child combatant yields to military after 14 years of fighting
»Feature: Cebuana Lhuillier's 6-month feeding program for kids
»October is National Children's Month
»PGMA wants greater commerce, cooperation with Tonga
»Gov't moves to uplift lives of poor
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines