Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 22 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/09/20

Tagalog News: Ekonomiya ng Pilipinas patuloy sa pag-angat

Manila (20 September) -- Sa ginanap na Electronics Strategic Forum kamakailan, ipinagmalaki ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang positibong resulta ng pagsisikap ng pamahalaan na palaguin ang ekonomiya kung saan tumaas ng ilang porsyento ang Gross Domestic Product at capital investment ng bansa.

Ayon sa Pangulo, dahil sa magandang takbo ng ekonomiya ng bansa, nakapagbigay ito ng anim na milyong bagong trabaho sa mga mamamayan at magpapatuloy parin ang kanyang administrasyon sa pagsisikap na mabawasan ang kahirapan sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga karagdagang trabaho na magiging hanapbuhay ng mga mahihirap na mamamayan.

Kasabay ng kampanya ng pamahalaang Arroyo na bawasan ang kahirapan sa bansa, patuloy ang pakikipag-ugnayan nito sa mga kawani ng pamahalaan upang agarang masolusyunan ang mga pangunahing suliranin ng mga mamamayan. Nasisikap narin ang pamahalaan na mapababa ang babayarin sa kuryente at ang pagmonitor ng mga presyo ng bilihin sa pamilihan.

Umaasa naman ang Pangulo na magtatagumpay ang Pilipinas sa pagbibigay ng alternatibong solusyon sa di mapigilang pagtaas ng langis na world market sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng mga pananim na maaaring pagkunan ng langis upang kahit papano'y mabawasan ang pangangailangan ng bansa sa mga imported crude oil. (Lgtomas/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»PNOC-AFC jatropha research on high gear
»Japan to absorb 1,000 IT Filipino workers this year
»LGUs support ESI mapping
»Mining areas in Comval attracts interest of NPAs
»Mindanao fares well in search for entrepreneur of the year
»Former child combatant yields to military after 14 years of fighting
»Feature: Cebuana Lhuillier's 6-month feeding program for kids
»October is National Children's Month
»PGMA wants greater commerce, cooperation with Tonga
»Gov't moves to uplift lives of poor
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines