Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 22 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/09/25

Tagalog News: Bulacan, nais makilala bilang wedding gown capital ng RP

Pandi, Bulacan (25 September) -- Disenyong Pandi.

Ito ang naging tatak ng bayang ito ng naghahangad na makilala bilang "wedding gown capital ng bansa" sa pamamagitan ng mga dinisenyong Traje de Boda, mga baro't saya at barong na may pambihirang burada na tampok sa Singkaban Fiesta na ginanap kamakailan.

Ayon kay Danilo Rivera, tagapangulo ng Bagong Barrio Multi Purpose Cooperative (BBMPC), ang paglulunsad ng mga Disenyong Pandi ay kasabay ng kanilang ika-limang anibersaryo ng kooperatiba na naging matatag at mabunga at tuloy nakalikha ng mas maraming disenyo kasabay ng pagdami ng trabaho.

Ipinagmalaki ni Rivera na sa bayan ng Pandi, walang hindi nagtatrabaho sa bayang ito sapagkat ang mga pagbuburda at pagdidisenyo ay ginagawa sa mga tahanan ng mga kababaihang nagbuburda.

Kilala ang Pandi bilang isang "third class" municipality kaya umaasa ang mga tagapagtatag ng nasabing kooperatiba na malaki ang maitutulong nito sa pagsisimula upang umunlad ang bayang ito.

Ayon naman kay Gobernador Jonjon Mendoza, ang pagbubukas ng Disenyong Pandi na rin ang hudyat ng pagpapakilala sa Bulacan bilang "Wedding Gown Capital" ng bansa dahil sa mataas na kalidad at magagandang disenyo ng trahe de boda na gawa sa nabanggit na bayan.

Kaugnay nito, nabatid na ang Disenyong Pandi ang siyang gumagawa ng mga Barong Tagalog at mga Evening Gowns sa ginanap na Lakan at Lakambini ng Bulacan sa magkasunod na dalawang taon.

Kasabay din ng nasabing paglulunsad ang pagpapasinaya ng bagong gusali ng BBMPB. (PIA-Bulacan) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»713 incumbent barangay captains in Cagayan Valley barred from re-election
»Responsible parenting movement getting on
»Street kids grow in number
»Jatropha has huge potential as biodiesel feedstock PNOC
»Persons involved in exam anomalies warned
»Land Bank supports Gensan coffee-shop expansion in Davao
»Increasing investment growth in Mindanao noted
»Tourist transport operators given 45-day compliance requirement
»HK-RP Senior golf match opens in Davao
»Outstanding volunteers sought
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines