Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 18 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/09/25

Tagalog News: Tatak Bulakenyo, modelo ng "one town, one product"

Lungsod ng Malolos (25 September) -- Nagsilbing modelo ng One Town One Product (OTOP) ng Department of Trade and Industry (DTI) ang Tatak Bulakenyo na pangunahing tampok sa pagbubukas ng Central Luzon Agro-Industrial Trade Fair kaalinsabay ng Singkaban Fiesta celebration na ginanap kamakailan sa lalawigan.

Sa nasabing trade fair ipinakilala sa buong Central Luzon ang mga ipinagmamalaking produktong yari sa lalawigan na lubos na kinagigiliwan ng mamimili tulad ng pastillas, minasa, bag, damit, at mga handicraft.

Ayon kay Gob. Joselito Mendoza ang pagsasagawa ng ganito kalaking trade fair ay isang indikasyon ng mataas na pagkilala sa mga produktong Tatak Bulakenyo.

"Ipinagmamalaki natin ang ating mga produkto at marahil sa lalawigan lang ng Bulakan nagkaroon ng katuparan ang One Town One Product dahil lahat ng ating 21 mga bayan at tatlong lungsod ay may maipagmamalaking mga produkto" ani Mendoza.

Matatandaang inilunsad ang OTOP noong 2005 sa pangunguna ng Department of Trade & Industry kung saan kinonsepto ito upang makalikha ng tatlong milyong trabaho sa loob ng limang taon 2005-2010 mula sa Small and Medium Enterprises (SMEs).

Samantala, isang pagkakataon din ito upang ipakita ang mga natatanging Tatak Bulakenyo products na isinapakete ng Bulacan Packaging Service and Toll Packing Center kung saan nagkaroon ng inobasyon ang mga lokal na produkto upang makipagsabayan sa pandaigdigang merkado. (PIA-Bulacan/PPAO) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»713 incumbent barangay captains in Cagayan Valley barred from re-election
»Responsible parenting movement getting on
»Street kids grow in number
»Jatropha has huge potential as biodiesel feedstock PNOC
»Persons involved in exam anomalies warned
»Land Bank supports Gensan coffee-shop expansion in Davao
»Increasing investment growth in Mindanao noted
»Tourist transport operators given 45-day compliance requirement
»HK-RP Senior golf match opens in Davao
»Outstanding volunteers sought
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines