Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 22 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/09/27

Tagalog News: Sen. Pimentel kinilala bilang "champion of genuine autonomy"

by Eden Z. Nebrija

Manila (27 September) -- Kinilala ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Ronaldo Puno si Senator Aquilino Pimentel bilang "champion of genuine autonomy" dahil sa kanyang malaking kontribusyon sa local governance na nagbigay ng daan sa pagkakaroon ng matibay na paglipat ng political at fiscal powers sa local government units.

Ayon kay Puno, si Pimentel na minsang nang naging local government minister, ay gumanap ng mahalagang papel sa paglipat ng kapangyarihan at kakayahan sa Local Government Units sa pamamagitan ng pag-akda ng Local Government Code of 1991, na isang malaking tulong upang baguhin ng mga barangays, lungsod, bayan at lalawigan ang kanilang anyo sa pagiging isang mabisang instrumento sa pagbibigay ng basic services sa mga tao.

Ani Puno, ang paglunsad kamakailan ng aklat ni Pimentel na "Local Government Revisited," ay isang palatandaan kung paano maipagpatuloy ang nasabing code bilang instrumento ng pag-unlad ng mga LGUs makalipas ang 16 taon mula ng ito ay naging batas.

Ang bagong aklat ni Pimentel, dagdag pa ni Puno ay magsisilbing panuntunan ng kagawaran upang ipagpatuloy nito ang mga programa at palakasin ang local governance sa pamamagitan ng patuloy na paglipat ng political at fiscal powers sa mga LGUs. (PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»DOST Secretary arriving in Davao
»Mass immunization on measles for kids
»Chief PNP reiterates courtesy and discipline
»Tagum women's group eyes global market
»Military heroes to receive special financial assistance from PGMA
»DSWD launches "Sing for me: A call for peace and unity"
»DSWD Caraga holds PYA gab
»13th Siargao int'l surfing tilt kicks off
»17th San Miguel municipal info quiz set
»NPA rebels attack Cantilan police station
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines