Tagalog News: New Zealand mag-aangkat ng mga produkto mula sa Pilipinas
Manila (14 November) -- Sa ginawang product exhibit at selling mission ng Department of Agriculture kasabay ng state visit ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kamakailan sa bansang New Zealand, siyam (9) na mga importers at distributors ng nasabing bansa ang nagpahayag na sila ang mag-aangkat ng mahigit $30 million na halaga ng fresh at processed agro-fishery exports mula sa Pilipinas.
Isa sa mga buyers na ito ang James Crisp Ltd., na kilalang importer at distributor ng food ingredients at isa rin sa nagtataguyod ng mga produkto sa New Zealand at bansang Australia.
Ayon kay Department of Agriculture Secretary Arthur Yap, karaniwan sa mga produktong inaangkat ng nasabing bansa ang mangga, saging, pinya, dried mangoes, banana chips, fresh coconut at fresh coco juice, biscuits, pili nuts at maraming iba pa. (Abb/PIA 12) [top]