Tagalog News: Pagpapa-unlad sa sektor ng agrikultura itutulak
Manila (13 February) -- Sa layuning maitaguyod ang agricultural at fishery products at mapa-unlad ang export markets ng mga produktong agrikultura ng Pilipinas, isang Memorandum of Agreement (MOA) ang nilagdaan sa pagitan ng Kagawaran ng Agrikultura, Department of Trade Industry (DTI), Department of Foreign Affairs (DFA) at Export Development Council (EDC) kung saan ang apat na ahensyang ito ay magtutulungan upang makabuo ng proyekto at programa para sa pagpapa-unlad ng sektor ng agrikultura.
Nakapaloob sa nilagdaang kasunduan ang pagpapa-unlad sa agri-fishery sector at pagsasaka sa pamamagitan ng pagbuo ng mga programa bilang pagtupad sa direktiba ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na masegurong magkaroon ng sapat na supply ng pagkain sa bansa at makapagbukas ng bagong trabaho na kabilang sa Medium Term Philippine Development Plan (MTPDP).
Napagkasunduan din ng mga signatories na magsagwa ng regular consultations sa mga stakeholders kasabay ng pagbuo ng technical committee kung saan ang Export Development Council (EDC) ang itinalaga bilang oversight body na magmomonitor sa lahat ng mga aktibidad na isinasagawa ng DA, DTI at DFA. (Abbenal/PIA 12) [top]