Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 23 February 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << February 2019 >> 
S M T W T F S
1 2
3 4 5 6 7 8 9
10 11 12 13 14 15 16
17 18 19 20 21 22 23
24 25 26 27 28
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/02/29

Tagalog News: 92 pinuno ng Farmers' Organization dinagsa ang PFAC meeting sa Sultan Kudarat

by Andrew Hornales

Koronadal City (29 February) -- Dinaluhan kamakailan nang mahigit sa 90 pinuno ng iba't ibang farmers' organization ang ginanap na kauna-unahang quarterly meeting ng Provincial Farmers Action Council (PFAC) na pinangunahan ng National Food Authority (NFA) sa lalawigan ng Sultan Kudarat.

Ayon kay NFA Provincial Manager Anthony Mariano Bernad, ang matibay na suporta at pakikipagtulungan ng mga Pangulo ng iba't ibang farmers' organization lalo na sa mga programa ng NFA ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga idinadaing ng mga magsasaka.

Dahil dito, ani Bernad, naipatupad ni Pangulong Arroyo ang La Niņa Incentive Fee (LNIF) na singkwenta sentimos bilang tugon sa panahon ng tag-ulan.

Ang singkwenta sentimos na LNIF ay dagdag sa ipinatupad na pagtaas ng presyo ng palay na P11 kada kilo mula sa P10 noong Oktubre nang nakaraang taon.

Bukod dito, mayroon pang drying at delivery incentives na 25 centavos bawat kilo para sa mga magsasaka at isa pang beynte sentimos kada kilo para sa CDIF ng mga kooperatiba.

Sa kasalukuyan, ang total buying price ng NFA para sa malinis na palay ay P12 kada kilo at ito'y magtatapos hanggang sa ika-31 ng Marso ng taong ito. (PPDO-Sultan Kudarat/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Feature: Privileges and incentives for differently-abled
»DepEd issues guidelines for 2008 graduation rites
»Tuguegarao City residents to be issued ID cards
»Health dep't enhances tots' growth
»Isabela gov scores GMA critics for resign call
»DOST introduces first online nutrition School
»Gov't promotes use of organic fertilizers
»Forum tackles additional IT areas for Davao City
»Davao City to make available spaces for call center operations
»Property owners admit lack of aggressiveness to support IT industry
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines