Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 16 February 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << February 2019 >> 
S M T W T F S
1 2
3 4 5 6 7 8 9
10 11 12 13 14 15 16
17 18 19 20 21 22 23
24 25 26 27 28
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/02/29

Tagalog News: Mahigit P1-B proyekto ng pamahalaang Italya ipapatupad sa Sultan Kudarat

by Andrew Hornales

Koronadal City (29 February) -- Umaabot sa 24 Million Euros o mahigit P 1 B ang pondong inilaan ng pamahalaan ng Italya upang maipatupad ang Agrarian Reform Community Development Support Program (ARCDSP) bilang suporta sa mga ARCs ng Rehiyon dose.

Ayon kay Provincial Agrarian Reform Officer Aaron D. Arumpac, ang naturang pondo ay nakalaan sa mga proyektong nakatuon sa pagpapaunlad ng mga ARCs ng rehiyon na matatagpuan sa mga lalawigan ng Sarangani, South Cotabato, North Cotabato at Sultan Kudarat.

Ilan sa mga bagay na pagtutuunan ng pansin ng programa ang infrastructure at entrepreneurial development, pagpapatibay sa lokal na mga organisasyon at ang pagtugon sa mga gamit pang-agrikultura.

Kaugnay nito, binisita kamakailan ng dalawang Italian specialists na sina Filippo Gotti Porcinan at Leonardo Gallico ang lalawigan ng Sultan Kudarat upang i-finalize ang ginagawang feasibility study at ang stratehiyang angkop gamitin para sa nasabing programa.

Ang patuloy na pananatili ng mga foreign-assisted programs sa lalawigan ay resulta ng magandang ugnayan ng mga foreign donors at ng lokal na pamahalaan, na ayon kay Arumpac, ay napakagandang hakbang upang umunlad ang buong Sultan Kudarat at maisakatuparan ang mga mithiing pinagsisikapan ni Governor Suharto "Teng" Mangudadatu. (PPDO-Sultan Kudarat/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Feature: Privileges and incentives for differently-abled
»DepEd issues guidelines for 2008 graduation rites
»Tuguegarao City residents to be issued ID cards
»Health dep't enhances tots' growth
»Isabela gov scores GMA critics for resign call
»DOST introduces first online nutrition School
»Gov't promotes use of organic fertilizers
»Forum tackles additional IT areas for Davao City
»Davao City to make available spaces for call center operations
»Property owners admit lack of aggressiveness to support IT industry
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines