Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 13 December 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << December 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/08/04

Tagalog News: NFA rice outlets patuloy ang serbisyo

by Andrew Hornales

Koronadal City (4 August) -- Patuloy na binubuksan sa mamamayan ang National Food Authority (NFA)-authorized outlets upang makapagbenta ng mas murang bigas sa mamamayan.

Ibinahagi ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa kanyang ika-walong (8) State-of-the-Nation Address (SONA) na gumagawa ng hakbang ang pamahalaan upng matugunan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis, pagkain at ang mga maaaring dahilan sa pagbagal ng takbo ng ekonomiya.

Isa umano sa mga paraan upang matugunan ang mga tinaguriang "global challenges" ng bansa ay ang pakikiisa sa iba pang mga bansa upang mapaigting ang pamumuhunan, pagpapanatili ng katahimikan at ang pagtiyak ng sapat na pagkain para sa mga Pilipino.

Ayon sa Pangulo, unti-unti nang natutugunan ang problema sa pagkain dahii sa pagkakaisa na ipinapakita ng mga magsasaka, bantay-presyo at ang paghigpit sa rice price manipulation.

Sa kasalukuyan, mabibili ang commercial rice sa halagang P32 bawat kilo.

Iniulat din ng NFA-Sultan Kudarat na patuloy ang binuong "Palengke Watch Team" sa pagsubaybay sa iba't ibang mga pamilihan sa lalawigan upang maibigay sa mamamayan ang tamang presyo ng NFA Rice na P18.25 bawat kilo, habang P25 naman ang presyo sa mga Integrated Bigasan ni Gloria sa Palengke.

Sa kabila ng pagtaas ng presyo ng mga basic commodities, hinihikayat ni Pangulong Arroyo ang mamamayan na maging mapanuri at matiyaga upang maipatupad ng pamahalaan ang nararapat na mga programang nakatutok sa pagbibigay ng solusyon sa kasalukuyang problemang hinaharap ng bansa. (PPDO-Sultan Kudarat/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Nagpahayag an Palasyo nga an mga alegasyon ni Pelaez mao in sayu nga plano paagpakaraot san Waray-Waray News: administrasyon ni Arroyo
»Search is on for 10 top patriotic Filipino doctors
»Palace remains hopeful ARMM elections could still be postponed
»PGMA urges Region 2 leaders to set aside politics; solve problems thru peaceful ways
»Malacaņang endorses 27 new appointees to bicameral CA
»National policy on reproductive health needed, say population workers
»Ilocano News: Namnamaen iti gobierno ti pannakaitantan iti eleksion diay Mindanao
»Breastfeeding ups children's chances of survical, say experts
»Cebuano News: Palasyo malaomon madus-og ang eleksyon sa ARMM
»Cebuano News: PGMA miawhag sa mga opisyales sa Region 2 pagsolbad sa mga problema sa malinawon nga paagi
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines