Tagalog News: PGMA ikinagalak ang pagdating ng bagong Timor Leste Ambassador
Manila (4 August) -- Ikinagalak ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang pagdating ng bagong Timor Leste Ambassador sa bansa kasabay ng pamamaalam ng outgoing ambassador ng Singapore at New Zealand.
Tinaggap ng Pangulong Arroyo ang Letter of Credence mula kay incoming Ambassador Extraordinary Francisco Tilman Cepeda sa isang brief presentation of credentials rites na ginanap sa Malacaņang.
Ayon kay Cepeda, malaking karangalan daw umano ang mapaglingkuran ang bansang Pilipinas sinisiguro din nito na tutuparin ang kanyang tungkulin ng mayroong utmost dedication.
Kasabay ng pagtanggap ng Pangulo sa Letter of Credence bagong Timor Leste Ambassador ipinahayag nito naisusulong umano ang harmonious diplomatic relations sa pagitan ng dalawang bansa. (KAlbay/PIA 12) [top]