Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 24 May 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << May 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/08/05

Tagalog News: Isyu ng Sorsogon sa endosulfan binigyang-linaw ng FPA

by BA Recebido

Sorsogon Province (5 August) -- Binigyang linaw ng Fertilizer and Pesticide Authority na walang dapat na ikabahala ang mga residente sa lalawigan ng Sorsogon sa posibleng epekto ng endosulfan na kabilang sa mga kargamento ng M/V Princess of the Stars na hanggang sa ngayon ay nakalubog pa rin sa karagatan.

Ito ang naging pahayag ni FPA Deputy Executive Director Dario C. Sabularse sa sulat na ipinadala nito sa tanggapan ni Provincial Agriculturist David Gillego noong Huwebes bilang sagot sa inquiry letter na ipinadala ni OPA Fishery Division Chief Serafin Lacdang sa FPA.

Pinuri ni Sabularse ang provincial agriculture sa ipinakitang pagpapahalaga nito sa kapakanan ng mga Sorsoganon at sa epektong maaaring dalhin ng kargamentong pesticide ng lumubog na barko sa mga yamang dagat at sa kabuhayan ng mangingisda sa lalawigan ng Sorsogon.

Matatandaang nagdala ng pagkatakot sa mga residente at negatibong epekto sa mga mangingisda dito ang paglitaw ng dalawampu't-dalawang bangkay sa karagatan ng Sorsogon na pinaniniwalaang pasahero ng M/V Princess of the Stars, na sinundan pa ng mga balita ukol sa nakalalasong kargamento ng nasabing barko na maaaring tumagas at makaapekto sa karagatan at kalusugan ng tao.

Sa paglilinaw ng FPA, sinabi nitong ang Del Monte Philippines at Dole Philippines, Inc. lamang ang pinapayagan dito sa Pilipinas na gumamit ng endosulfan bilang pesticide nito sa kanilang pineapple plantation.

Nilinaw rin ng FPA na mahihirapan ding magkaroon ng pagtagas sa mga kargamento lalo na't nasunod naman ang international standard of packaging ng kargamentong nasa loob ng barko.

Subalit, kung sakaling hindi talaga maiwasang magkaroon ng pagtagas, nilinaw niyang walang dapat ikabahala sapagkat mabilis matunaw ang endosulfan sa dagat. At sa lawak ng karagatan, maliban pa sa mataas na acidity level at mas malamig na temperatura nito, mababa ang posibilidad ng panganib na dadalhin nito.

At kung sakali din, anilang, sumama sa tubig ang mga concentrates nito, hindi rin ito sapat upang makalason ng mga lamang-dagat.

Sa ngayon, ayon pa kay Sabularse, patuloy pa rin ang mahigpit na pagsubaybay ng mga kinauukulan sa lugar kung saan lumubog ang M/V Princess of the Stars at sa mga kalapit na karagatan nito at hanggang sa ngayon ay wala pang naitatalang pagtagas ang endosulfan.

Sinabi rin ng FPA na ang five-kilometer radius na itinalaga bilang quarantine zone mula sa kinalubugan ng barko, ay sapat na upang mapangalagaan ang kaligtasan at kabuhayan ng mga mamamayan. Anila, positibo din silang bibigyang-prayoridad ng mga kinauukulan ang pagkuha sa endosulfan at iba pang mga mapanganib na kagamitan mula sa lumubog na barko sa lalong madaling panahon upang matigil na rin ang paglabas ng iba pang mga haka-haka na wala namang siyentipikong basehan. (PIA Sorsogon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Davao metro shuttle bus to provide seats for breastfeeding mothers
»Stanfilco's blesses breastfeeding station
»Stay-behind forces to help barangay defense system
»CMDF conducts seminar on construction testing for field engineers
»Ulama hails PGMA in conducting dialogues in achieving peace
»2nd batch 17 women finish cosmetology training
»Davao Norte prov'l staff join 1st SONA info quiz
»New Davao malls to attract provincial mallgoers
»Investments trooping to Davao City
»Pantawid kuryente availed by Capiceņos this month
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines