Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 11 December 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << December 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/08/07

Tagalog News: Pagsusulong ng kaunlaran ng mga bayan ng Oriental Mindoro, nagpapatuloy

Calapan, Oriental Mindoro (7 August) -- Nagpapatuloy ang pagdalaw ni Gobernador Arnan C. Panaligan sa mga bayan upang personal na alamin ang kalagayan ng mga mamamayan at magdala ng mga proyektong pangkaunlaran.

Kamakailan ay ang bayan ng Roxas sa ikalawang distrito ang binisita ng gobernador upang maghatid ng serbisyong malaki ang maiaambag sa pag-angat ng pamumuhay ng taumbayan.

Unang pinuntahan ng gobernador ang barangay ng Maraska. Malayo sa sentrong bayan at marami pa ang hindi sementadong kalsadang tatahakin bago marating ang barangay. Isa sa mga liblib na barangay sa lalawigan na kabilang sa programang Literasi at Kasanayan sa Hanapbuhay sa Kalibliban o LIKHA KA ng Pamahalaang Panlalawigan.

Tulong puhunan na nagkakahalaga ng P50,000 ang ipinagkaloob ng gobernador kay G. Mar Gamulao, pangulo ng Maraska Livelihood Kaagapay sa Hanapbuhay para sa kanilang goat raising project. Sumaksi sa pagkakaloob sina Brgy. Capt. Daniel Timtiman at 2nd District Board Member Ferdinand Thomas Soller..

Walang hanggang pasasalamat ang paabot sa gobernador nina G. Gamulao at Kapitan Timtiman.

"Isang karangalan para sa amin na isang punong lalawigan ang panauhin namin sa araw na ito. Maitatala sa kasaysayan ng aming barangay na si Gobernador Arnan C. Panaligan ang kauna-unahang gobernador na yumapak sa aming lugar simula noong ako ay maging punong barangay," pahayag pa ni Kapitan Timtiman.

Ayon sa gobernador, ang kanyang personal na pag-iikot sa mga bayan ay ang paggampan niya sa kanyang tungkulin sa taumbayan. Ang barangay ng Maraska, bukod sa malayo sa kabayanan, ay maliit lamang na barangay. Ngunit wala iyon sa liit o laki ng lugar, para sa gobernador, ang mahalaga ay ang makapagdala siya ng programa sa mga mamamayan. Ito, aniya, ang pangunahing layunin ng programang LIKHA KA ng kanyang pamunuan, ang makapagbigay ng alternatibong hanapbuhay sa mga mamamayang nasa kalibliban. Bukod pa, aniya sa Brgy. Marasca, benepisyaryo rin ng programa ang mga barangay ng San Vicente at Victoria sa bayan ng Roxas.

Malugod ring ipinaabot ng gobernador sa mga taga-barangay na inaprubahan na niya ang request nina Kapitan Timtiman at ng barangay council para sa pagpapagawa ng bagong barangay health center.

Kasama rin ng gobernador sa gawain ang tumatayong coordinator ng LIKHA KA na si Provincial Cooperative Development Officer Lorelei Sevilla.

Samantala, mainit na pagtanggap ang isinalubong sa gobernador nina Mayor Jackson Dy, mga kapitan at opisyales ng barangay at ng mahigit 700 benepisyaryo ng libreng health insurance ng Pamahalaang Panlalawigan.

Sa programang ginanap sa municipal gym, kasama ng gobernador na namahagi ng Philhealth ID cards sa mga kapitan ng 20 barangay na bumubuo sa bayan sina Mayor Dy at Board Member Ferdinand Soller.

Sa kanyang mensahe, sinabi ng gobernador na ang health insurance ay isang programang pantao dahilan sa tumutugon ito sa matinding pangangailangan ng mga pamilya hinggil sa kalusugan. Programa itong kontra-kahirapan. Kapag malusog ang mamamayan, makakapag-aral, makakapaghanapbuhay at hindi masasadlak sa kahirapan. Ngunit hindi lamang ito ang programang pangkalusugan ng Pamahalaang Panlalawigan. Malaking bahagi ng programa ang pagpapagawa ng mga ospital sa lalawigan. Dagdag pa ng gobernador, maliit man na bayan ang Roxas ay malaki ang potensyal nito at maraming oportunidad ang dumarating dito. Masigla ang komersyo at kalakalan sa pagdadala dito ng produkto ng mga karatig na bayan ng Mansalay, Bulalacao at Bongabong. At nang mapasama sa Strong Republic Nautical Highway ang lalawigan, naging jump-off point patungong Caticlan sa Visayas ang Dangay Port na nagpaunlad naman nang pakikipagkalakalan sa ibang lalawigan. Ayon sa Gobernador, makakaasa ang mga mamamayan dito na lagi nilang kaagapay ang pamahalaan sa kanilang pagpupunyaging paunlarin ang bayan ng Roxas. Lubos na katuwaan ang pahatid ni Mayor Dy sa gobernador. Kung noong nakaraang eleksyon, aniya, ay magkaiba sila ng partidong kinabilangan, sa susunod na tatlong taon, ay mananatili siyang nasa likod ng Gobernador. (PIA-MMIO) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»"Pamanang Lingkod Bayan" to make civil servants' dreams come true – CSC
»CSC-Aklan reschedules exam due to "Frank"
»Davao buses now breastfeeding-friendly
»New big investments to cost more than P15-B
»SMB Davao launches community clinic-specialized medical services
»PGMA leaves for China today for a 3-day visit with 11-man official party
»Zambo-based commercial fishing group welcomes possible gov't assistance
»World champion Las Piñas Boys Choir pays courtesy call on PGMA
»UN, Spain, RP sign USD 8M climate change program
»Palace refutes MILF claim of "done deal"
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines