Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 25 May 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << May 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/08/07

Tagalog News: Victoria benepisyaryo ng computers at suportang pinansyal ng pamahalaang panlalawigan

Calapan, Oriental Mindoro (7 August) -- Limang computer sets ang ipinagkaloob ni Gobernador Arnan C. Panaligan sa Lakeside Multi-Purpose Cooperative na malugod na tinanggap ng kanilang general manager na si Konsehal Luis dela Roca, Jr. at Chairman Emmanuel Fabellon sa isang maikling programa noong Hulyo 23 sa bayan ng Victoria.

Taos-pusong pasasalamat ang ipinaabot ng dalawang opisyal ng kooperatiba sa gobernador. Napakalaking bagay, anila, ang mga nabanggit na equipment dahilan sa kailangang-kailangan ito ng mga mag-aaral sa Lakeside Institute na pinamamahalaan ng nabanggit na kooperatiba.

Sa kanyang pananalita, ipinaalala sa mga ito ng gobernador ang kahalagahan ng mga kooperatiba. Kapag mahusay, aniya, itong napamamahalaan, marami ang benepisyong maipagkakaloob sa mga myembro at ito ang magiging daan sa pag-angat ng kanilang pamumuhay.

Ipinahayag pa ng gobernador na ituturn-over niya sa kooperatiba ang P500,000 pondo na mula kay Senador Loren Legarda upang makapagpagawa ng karagdagang silid-aralan para sa naturang paaralan.

Bukod pa rito, namahagi ang gobernador ng libreng health insurance sa 1,303 pamilyang benepisyaryo ng programa. Mga kapitan mula sa 32 barangay ng bayan ang tumanggap ng ID cards para sa kanilang mga nasasakupan.

Sa maikling programang ginanap sa municipal gymnasium, sinabi ng gobernador na prayoridad na programa ng kanyang pamunuan ang kalusugan. Nang manungkulan siya bilang gobernador noong Disyembre 2004, nasa 11,000 pamilya lamang ang may health insurance sa buong lalawigan. Sa loob lamang ng tatlong taon, umabot na sa 55,000 pamilya ang napagkalooban. Taon-taon aniya ay nagdaragdag ng bilang ng benepisyaryo sa layuning masaklaw ng programa ang mahigit 100,000 pamilyang Mindoreno pagsapit ng taong 2010.

Lubos na pasasalamat sa gobernador dahil sa hindi nito nakalilimutang magbigay ng tulong sa kanilang mga kababayan ang pahatid nina Municipal Administrator Joey Marquez at ABC President at Poblacion III Brgy. Capt. Ricardo Ganad. (PIA-MMIO) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»"Pamanang Lingkod Bayan" to make civil servants' dreams come true – CSC
»CSC-Aklan reschedules exam due to "Frank"
»Davao buses now breastfeeding-friendly
»New big investments to cost more than P15-B
»SMB Davao launches community clinic-specialized medical services
»PGMA leaves for China today for a 3-day visit with 11-man official party
»Zambo-based commercial fishing group welcomes possible gov't assistance
»World champion Las Piñas Boys Choir pays courtesy call on PGMA
»UN, Spain, RP sign USD 8M climate change program
»Palace refutes MILF claim of "done deal"
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines