Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 20 May 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << May 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/08/07

Tagalog News: Baco, nakiisa sa pagdiriwang ng Nutrition Month

Calapan, Oriental Mindoro (7 August) -- Isa sa mga pangunahing panuntunan ng administrasyon ni Gobernador Arnan ang pagbibigay ng mataas na pagpapahalaga sa kalusugan ng mga Mindoreno upang maiseguro ang pagkakaroon ng mga produktibo at aktibong mamamayan.

Hulyo 22 nang binisita ng Gobernador ang bayan ng Baco sa unang distrito pa rin upang tingnan ang pagpapatupad ng iba't ibang mga programang pang-nutrisyon ng nabanggit na bayan.

Naging pagkakataon din ito upang makasalamuha ni Gob. Arnan ang mga taga-Baco at makiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon ng bayan ng Baco na ginanap sa municipal gymnasium. Tumutok ito sa temang "Sa wastong nutrisyon ni Mommy, tiyak na healthy si Baby."

Pinangunahan ang gawain ni Baco Mayor Graciano dela Chica at dinaluhan nina Vice-Mayor Conrado Zulueta, Municipal Councilors Eric Castillo, Clemen Bautista, Ariel Villas, Tony Consolacion at Baco ABC President Armando Perez.

"Binabati ko ang bayan ng Baco, sa pangunguna ni Baco Mayor Graciano P.. Dela Chica, bilang isa sa mga bayan sa lalawigan na nangunguna sa pagpapatupad ng iba't ibang programa at proyektong naglalayong isulong at ipalaganap sa mamamayan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng wastong nutrisyon ng mga mamamayan. Kung gusto nating maputol ang kahirapan, dapat ay maitaguyod natin ang maayos na nutrisyon ng ating mamamayan at handa ang Pamahalaang panlalawigan na suportahan ang ganitong mga gawain," ayon pa sa Gobernador.

Ayon kay Baco Municipal Planning and Development Coordinator at kasalukuyan ring Municipal Nutrition Action Officer Cecilia B. Zulueta, 25 sa 27 barangay ng Baco ang lumahok sa paligsahan ng paggawa ng "Masustansyang Bulanglang at Meryenda ni Netoy". Dito, isa sa mga isa sa mga naging hurado si Special Concerns Division Chief Belen Icalina na siya ring kasalukuyang pangulo ng Provincial Rural Improvement Club. Nakuha ng Mayabig ang unang pwesto, samantalang Bangkatan at Catuiran II ang pumangalawa at Sta. Rosa I at Tabon-tabon ang ikatlong pwesto sa "Masustansyang Bulanglang". Sa "Meryenda ni Netoy," nakuha ng Barangay Lumangbayan, Dulangan I at Dulangan II ang nakakuha ng una, ikalawa at ikatlong pwesto.

Nagkaroon din ng patimpalak na "Wanted: Perfect Mother" kung saan ipinakita ng mga kalahok na ina ang tamang paraan ng pagpapasuso sa kanilang mga sanggol at ang kahalagahan nito para sa pagkakaroon ng maayos na nutrisyon ng kanilang mga anak.

Nagsagawa rin ng Poster Making Contest kung saan nakuha nina Aldrin Gain ng Dulangan I, Paul Santiago ng Felix Hernandez Memorial School at Maceron Magsipoc ng Dulangan II ang una, ikalawa at ikatlong pwesto sa elementary category, samantalang sina Mark Aldrin Buhat ng Baco National High School Main, James Robert Mitra ng Baco National HS – Mayagao at Gilbert Beron ng Baco National HS Dulangan 2 ang nakakuha ng una, ikalawa at ikatlong pwesto sa high school category. (PIA-MMIO) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»"Pamanang Lingkod Bayan" to make civil servants' dreams come true – CSC
»CSC-Aklan reschedules exam due to "Frank"
»Davao buses now breastfeeding-friendly
»New big investments to cost more than P15-B
»SMB Davao launches community clinic-specialized medical services
»PGMA leaves for China today for a 3-day visit with 11-man official party
»Zambo-based commercial fishing group welcomes possible gov't assistance
»World champion Las Piñas Boys Choir pays courtesy call on PGMA
»UN, Spain, RP sign USD 8M climate change program
»Palace refutes MILF claim of "done deal"
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines