Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 12 December 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << December 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/08/07

Tagalog News: Pagpapaunlad ng rehiyon, tinututukan din ni Gob. Arnan

Calapan, Oriental Mindoro (7 August) -- Hindi matatawaran ang mga pagsisikap at patuloy ang mga pagpupunyagi ni Gobernador Arnan upang isulong ang kaunlaran para sa lalawigan ng Oriental Mindoro. Kasabay nito, tinututukan din ni Gobernador Arnan ang pagpapaunlad ng rehiyong bumubuo sa mga islang lalawigan ng Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan.

Si Gobernador Arnan ang chairman ng sectoral committee on infrastructure development, ang isa sa pinakamahahalagang komiteng nagsusulong sa progreso ng MIMAROPA region. Noong Hulyo 24, pinulong ni Gobernador Arnan sa Kapitolyo ang mga opisyal at kinatawan ng regional line agencies at mga pamahalaang lokal.

Pinangunahan ng Gobernador ang pagtalakay at paghimay ng mga proyektong pang-imprastraktura ipinanukala at inaasahang maipagagawa sa iba't ibang lalawigan ng rehiyon.

Sa pagpupulong ay inaprubahan ng komite upang i-endorso sa Regional Development Council, ang Sewerage and Wastewater Treatment Project ng Puerto Galera na ipinresenta ni Mayor Hubbert A. Dolor. Ayon kay Dolor, ang proyekto ay kailangang upang maipreserba ang ganda at kalikasan ng bayan na kauna-unahang man and biosphere reserve ng Pilipinas.

Inaprubahan rin ng komite ang pag-i-endorso sa RDC ng port zone delineation sa tatlong bayan sa Palawan at Bulalacao sa Oriental Mindoro.

Iniulat naman ng kinatawan ng National Irrigation Administration na ngayong taon ay inaasahan ang pagsisimula ng participatory irrigation development program na pinondohan ng World Bank para sa mga islang lalawigan ng rehiyon..

Sa bahaging ito ay sinabi ni Gobernador na naghihintay rin ang Oriental Mindoro sa P26 M para sa rehabilitasyon ng Mag-asawang Tubig River Irrigation System na magseserbisyo sa tinatayang 2,000 ektaryang palayan.

Tinalakay at pinagkasunduan rin sa pagpupulong ang pagbubuo ng Port Development Master Plan for MIMAROPA. Ayon kay Gobernador Arnan ang pagkakaroon ng maayos at mas epektibong sistema ng mga pier ay hindi lamang magpapabilis ng transportasyon ng tao at mga produkto kundi palalakasin rin nito ang komersyo at mga industriya at pasisiglahin ang turismo ng buong rehiyon.

Samantala, isinagawa rin sa lalawigan ang pagpupulong sectoral committee on economic development na pinamumunuan naman ni Gobernador Josephine R. Sato ng Occidental Mindoro. Tinalakay naman rito ang kalagayan ng mga kasalukuyang industriya ng rehiyon at mga programa at proyektong higit pang magpapaunlad sa mga ito.

Dumalo rito si Gobernador Arnan at nagbahagi ng mga suhestyon at panukala para sa sa higit na pagtataguyod ng mga industriyang magpapasigla sa ekonomiya ng rehiyon. (PIA-MMIO) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»"Pamanang Lingkod Bayan" to make civil servants' dreams come true – CSC
»CSC-Aklan reschedules exam due to "Frank"
»Davao buses now breastfeeding-friendly
»New big investments to cost more than P15-B
»SMB Davao launches community clinic-specialized medical services
»PGMA leaves for China today for a 3-day visit with 11-man official party
»Zambo-based commercial fishing group welcomes possible gov't assistance
»World champion Las Piñas Boys Choir pays courtesy call on PGMA
»UN, Spain, RP sign USD 8M climate change program
»Palace refutes MILF claim of "done deal"
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines