Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 11 December 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << December 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/08/07

Tagalog News: Provincial Disability Prevention Week, ipinagdiwang

Calapan, Oriental Mindoro (7 August) -- Hindi man normal ang kakayahan at isipan at may diprensya man ang ilang bahagi ng pangangatawan, sinisikap ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Gobernador Arnan na mabigyan ng pagpapahalaga at hikayatin ang pakikipagtulungan at pagsuporta ng iba't ibang ahensya ng pamahalaan na maging bahagi ang mga may kapansanan sa kabuuang pag-unlad ng lalawigan.

Dito sumentro ang pagdiriwang na Joint Regional and Provincial Disability Prevention Week noong Hulyo 22 na may temang, "Kapag may access, may success."

Naging panauhin sa naturang okasyon sina Pinamalayan Mayor Wilfredo Hernandez, Bokal Corazon Agarap, SP committee chairman on People with Disability; Provincial Social Welfare and Development Officer Teresita Umbao, Gng. Ruth Tacujan ng National Council for Disability Affairs, Dr. Aurora Campita ng Department of Health, DILG Regional Director Octavio Tamondong, TESDA Director Asuncion Ordoņa, DSWD Regional Chief Elvira Cularina at DepEd Supervisor Emelinda Mendoza.

Kasama ring dumalo ang mga DepEd supervisors na sina Dr. Malou Servando, Dr.. Romeo Castillo, Dr. Jerry Huerto at sina Lorna Palomera ng Agricultural Training Institute, at Social Mobilization Officer Edward Callo ng Handicap International.

Tampok sa naturang okasyon ang poster making contest, sports competition, at team building activity at ang pagbibigay ng oryentasyon hinggil sa Organic Farming, Career and Guidance Scholarship Program, Rehabilitation of Person with Disability at Policy Advocacy.

Sa okasyon, ipinahayag ni Gobernador Panaligan sa pamamagitan ni PSWD Officer Teresita Umbao na nilalayon ng pamahalaang panlalawigan na makilala ang kakayahan ng mga may kapansanan, malinang at mapaunlad pa ito at matukoy ang mga sagabal para matulungang makaagapay ang mga ito sa mga may normal na pangangatawan.

Buong pagsisikap namang ipinakita ng mga kalahok na may iba't ibang kapansanan mula sa iba't ibang bayan ang galing sa pagguhit at iba't ibang talento na nagpaangat sa kani-kanilang pagiging indibidwal. (PIA-MMIO) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»"Pamanang Lingkod Bayan" to make civil servants' dreams come true – CSC
»CSC-Aklan reschedules exam due to "Frank"
»Davao buses now breastfeeding-friendly
»New big investments to cost more than P15-B
»SMB Davao launches community clinic-specialized medical services
»PGMA leaves for China today for a 3-day visit with 11-man official party
»Zambo-based commercial fishing group welcomes possible gov't assistance
»World champion Las Piņas Boys Choir pays courtesy call on PGMA
»UN, Spain, RP sign USD 8M climate change program
»Palace refutes MILF claim of "done deal"
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines