Tagalog News: Pagpapa-unlad sa Lake Buhi pinagtutuunang pansin
Koronadal City (7 August) -- Isa sa pinagtutuunang pansin ngayong ng national at international R & D interventions ang pagpapa-unlad sa Lake Buhi, ang natural inland freshwater lake ng Camarines Sur na may mahalagang papel na ginagampanan sa ecological at economic development ng bansa.
Ang nasabing lawa ay itinuturing na extremely highly critical area para sa biodiversity kung saan apat hanggang limang toneladang isda ang makukuha dito sa isang araw. Mayron din itong labing-apat na converging tributaries na nagsisilbing major watershed sa buong bayan ng Camarines Sur lalo na sa hydroelectric power plant at nagpapatubig ng umaabot sa 12,000 ektaryang sakahan.
Samantala dahil sa ibinigay na suporta ng SEARCA's Seed Fund for Research and Training (SFRT), isang pag-aaral sa Lake Buhi System ang isinagawa ni Dr. Cely Binoya, professor ng Camarines Sur State Agricultural College (CSSAC) sa pamamagitan ng agro-ecological system analysis.
Nagpag-alaman sa pag-aaral ni Dr. Binoya na ang kasalukuyang household at production practices sa paligid ng Lake Buhi ay hindi makabubuti para sa kalagayan ng lawa.
Mahalaga umanong mabigyang ng sapat na kaalaman at impormasyon ang mga mamamayang nakapaligid sa lawa kung papaano pababain ang negatibong epekto ng kanilang mga kilos upang mapangalagaan ito ng maayos. Ito ay sa pamamagitan ng pakiki-isa sa isinasagawang livelihood activities upang maiwasan ang soil erosion at chemical contamination sa nabanggit na lawa. (Abbenal/PIA 12) [top]