Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 8 December 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << December 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/08/07

Tagalog News: Pagbibigay ng Mindanao sa MILF walang katotohanan - Dureza

Manila (7 August) -- Nilinaw ni Press Secretary Jesus Dureza sa publiko na wala umanong katotohanan ang napapabalitang ibinibigay na umano ng pamahalaan ang buong Mindanao sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) kapalit ng hinihingi nitong katahimikan at kapayapaan sa bansa partikular na sa Mindanao na siya umanong nakasaad sa Memorandum of Agreement (MOA) na nakatakdang lagdaan ng pamahalaang Pilipinas at MILF.

Ayon kay Dureza, bago maimplementa ang kontrobersyal na MOA, marami pa umano itong prosesong dadaanan, una na dito ay ang pagsumite sa Kongreso upang maging batas. Pangalawa, kukunin ang opinyon ng mga mamamayan ng apektadong lugar o barangay kung gusto ba nilang mapabilang sa Muslim area at ang magiging desisyon ng mga ito ang siya pa ring masusunod.

Dagdag pa ni Dureza, maghahain din ang pamahalaan ng plebisito sa Kongreso para sa mga Muslim areas na hindi sakop ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) upang mas maging mabisa ang kanilang desisyon kung nais ba ng mga itong pumasok sa Bangsamoro Juridical Entity.

Nilinaw din ni Dureza na sa bandang huli, ang desisyon pa rin ng mga mamamayan ng apektadong lugar ang susundin ng pamahalaan kung kaya't hindi umano tama ang sabi-sabing binibigay ng pamahalaan ang buong Mindanao sa MILF. (Lgtomas/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»"Pamanang Lingkod Bayan" to make civil servants' dreams come true – CSC
»CSC-Aklan reschedules exam due to "Frank"
»Davao buses now breastfeeding-friendly
»New big investments to cost more than P15-B
»SMB Davao launches community clinic-specialized medical services
»PGMA leaves for China today for a 3-day visit with 11-man official party
»Zambo-based commercial fishing group welcomes possible gov't assistance
»World champion Las Piñas Boys Choir pays courtesy call on PGMA
»UN, Spain, RP sign USD 8M climate change program
»Palace refutes MILF claim of "done deal"
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines