Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 11 December 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << December 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/08/13

Tagalog News: Permanent disaster preparedness program mahalaga, ani OCD Dir. Tomazar

Mauban, Quezon (13 August) -- Inihayag dito ni Office of the Civil Defense (OCD) Regional Director IV-A Vicente Tomazar na siya ring RDCC Executive Officer IV-A na mahalaga ang pagkakaroon ng permanenteng disaster preparedness program na siyang tutulong upang malimitahan ang bilang ng mga taong naaapektuhan kapag may dumarating na kalamidad.

Ang nasabing pahayag ay binanggit ni Dir. Tomazar sa ginanap na "Joint Conference ng Office of the Civil Defense at RDCC IV-A Technical Working Group at Philippine Association of Civil Defense Deputized Coordinators sa Quezon Power (Philippines) Limited sa Brgy. Cagsiay 1, Mauban, Quezon. Ito ay ginawa kaugnay sa pagdiriwang ng National Disaster Conciousness Month na may tema na "Pag alerto Malayo sa Peligro"

Ayon pa kay Tomazar, mahalaga rin ang pakikipagtulungan ng mga miyembro ng mga local disaster coordinating council at maging ng mga Non Government Organizations (NGO) o Peoples Organization sa paghahanda ta pagapapatupad ng mga programang pangkalamidad sa isang lalawigan o rehiyon katulad ng CALABARZON. Nagpasalamat din siya sa pamunuan ng Quezon Power Limited Co. sa pagtulong sa mga programa ng RDCC IV-A kagaya ng pag sponsor sa nasabing pulong.

Inihayag naman ni Litz Santana, Public Affairs and Human Resources Director ng Quezon Power Limited na handa silang tumulong sa mga local disaster coordinating council sa oras ng pangangailangan. Dumalo din sa nasabing pulong si Provincial Administrator Aries Flores na kumatawan kay Quezon Gov. Raffy Nantes. Dito ay binanggit niya ang kahalagahan ng pagpapalakas ng mga civil defense deputized coordinators at ang pagiging handa ng bawa't isa sa pagdating ng kalamidad. Ayon pa kay Flores tuloy-tuloy na isinasagawa ngayon ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon ang programang "Food for Work" matapos manalasa ang bagyong Frank sa lalawigan.

Dumalo din sa pulong si Dr. Henry M. Buzar na siyang pangulo ng Philippine Association of Civil Defense Deputized Coordinators na nagpasalamat sa mga NGOs kagaya ng Mauban Power Plant, Mirant Philippines sa pagtulong sa mga biktima ng mga nakaraang bagyo. Sina Girlie Guyong, Officer In Charge, Philippine Information Agency (PIA-CALABARZON); Deputy SOLCOM Commander Dominador Aquino at iba pang mga opisyal mula sa DepEd, BFAR, DSWD, DPWH Region IV-A ay dumalo rin dito.

Samantala, naging bahagi ng pulong ang presentasyon ng mga rehabilitation plan ng RDCC IV-A kaugnay sa bagyong Frank kabilang na dito ang mga programa sa pagsasaayos ng mga tulay, national roads, flood control at public buildings na nagkakahaga ng mahigit sa P54M na gagawin sa pamamagitan ng DPWH Region IV-A. Ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR-Region IV-A); DepEd Region IV-A at DSWD Region IV-A ay may mga programa ding ipinatutupad para sa mga naging biktima ng bagyo kagaya ng core shelter, food for work at mga proyektong pangkabuhayan.

Pagkatapos ng pulong, isinagawa ang water search and rescue (WaSAR) sa pamamagitan ng Municipal Disaster Coordinating Council ng Mauban at ng Provincial Disaster Coordinating Council ng Quezon gayundin ang core housing visitation sa Cagsiay II at Bagong Bayan, Mauban, Quezon na pinamahalaan naman ni Ma. Regina P. Cabaysa, Municipal Social Welfare Officer ng Mauban. (PIA/Orinday) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Living Heritage Center of indigenous peoples opens Wednesday
»2nd Nat'l Conference on IPs held today
»32 barangays in Davao Region for inclusion in JBE thru plebiscite
»Feature: Will EVAT forever stay?
»Gov't prepares for oral arguments on MOA-AD
»Feature: For the love of education
»DOST offers SME scholarships
»Another chance for entrepreneurs to join Philippine BiD Challenge 2008
»Davao Region's poverty incidence still lowest in Mindanao
»Davao Region provides Western Wats with needed manpower
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines