Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 23 May 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << May 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/08/13

Tagalog News: DTI Quezon maglulunsad ng programang OTOP Bayong sa Sept. 24

Talipan, Pagbilao, Quezon (13 August) -- Nakatakdang ilunsad ng Department of Trade and Industry (DTI-Quezon) ang programang OTOP Bayong sa Quezon Convention Center sa lungsod na ito sa Setyembre 24, 2008.

Ito ang inihayag ni Gng. Marcelina Alcantara, Provincial Director ng DTI-Quezon sa ginanap na pagpupulong ng Provincial Multi-Sectoral Forest Protection and Management Council sa DENR-CENRO Pagbilao Conference Room sa Barangay Talipan, Pagbilao, Quezon na pinangunahan nina ENRO Manuel Beloso, Chairman ng QPMEPMC at PENRO Herminigildo Jocson.

Ayon kay Dir. Alcantara na miyembro ng nasabing konseho, ang OTOP Bayong ay isang environmental project na naglalayong malimitahan ng mga tao ang paggamit ng plastic bags sa kanilang pamimili sa halip aniya ay ibalik sa dati ang paggamit ng bayong. Ilulunsad din ang OTOP Bayong sa lalawigan ng Laguna sa nasabi ring petsa ayon pa kay Alcantara.

Bukod sa makapagbibigay ng alternatibong hanapbuhay sa mga tao lalo na yaong mga taong umaasa sa pagkakahoy o pag-uuling, makatutulong din aniya ang proyektong ito sa pangangalaga ng kapaligiran o pagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran sapagkat kalimitan sa mga plastic bag kapag naluma na o nasira ay nagiging basura at bumabara sa mga canal na siyang nagiging dahilan naman ng pagbaha sa mga lansangan.

Samantala, tuloy pa rin ang kampanya ng Quezon Provincial Multi-Sectoral Forest Protection and Management Council sa paglaban sa illegal logging activities sa lalawigan ng Quezon lalong lalo na sa bayan ng Real, Infanta at General Nakar, Quezon. Sa nasabing pulong tinalakay ni PENRO Herminigildo C. Jocson ang Implan on Anti-illegal logging Task Force na ipinatutupad sa lalawigan ng Quezon.

Kasabay nito, ikinakampanya rin ng DENR at ng QPMEPMC sa mga taong nag-uuling na muling magtanim ng mga punong kahoy sa mga lugar sa na maaaring pagtaniman. Hiniling naman ni G. Beloso sa mga taga DepEd na imonitor ng mga ito ang mga itinanim na punong kahoy ng mga mag-aaral noong mga nakaraang taon upang malaman kung napakinabangan o hindi ang mga ibinigay na pananim. (PIA-Quezon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Living Heritage Center of indigenous peoples opens Wednesday
»2nd Nat'l Conference on IPs held today
»32 barangays in Davao Region for inclusion in JBE thru plebiscite
»Feature: Will EVAT forever stay?
»Gov't prepares for oral arguments on MOA-AD
»Feature: For the love of education
»DOST offers SME scholarships
»Another chance for entrepreneurs to join Philippine BiD Challenge 2008
»Davao Region's poverty incidence still lowest in Mindanao
»Davao Region provides Western Wats with needed manpower
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines