Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 26 May 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << May 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/08/13

Tagalog News: MOA ng pamahalaan at MILF malilinawan dahil sa TRO

Manila (13 August) -- Inihayag ng Malakanyang na ang pagpapalabas ng temporary restraining order (TRO) kamakailan ng korte suprema sa paglagda sa isang Memorandum of Agreement sa pagitan ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa isyu ng ancestral domain ay tinanggap ng pamahalaan upang malinawan na ang lahat.

Ayon kay Press Secretary Jesus Dureza, ang paglagda ng nabanggit na MOA ay pansamantala munang hindi itutuloy dahil sa TRO ng korte suprema kung saan mabibigay din umano ito ng pagkakataong masuri ng publiko ang nabanggit na kasunduan at lubos na maunawaan ang nilalaman nito.

Matatandaang ang isyu ng ancestral domain ay pangatlo at panghuling parte ng peace agreement na isinusulong ng pamahalaan at MILF para sa pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao na magbibigay daan naman para sa ikauunlad ng ekonomiya nito.

Dagdag pa ni Dureza, tiwala ang Malakanyang na sa pagsusuri ng kontrobersiyal na MOA, malaki ang posibilidad na sa halip na mapahina ang kasunduan, mapapatatag at mapapaunlad pa ito at tuluyan na ding maisasabatas.


MOA nilinaw ni Dureza

Muling nilinaw ni Press Secretary Jesus Dureza sa publiko na walang katotohanan ang napapabalitang ibinibigay ng pamahalaan ang buong Mindanao sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) kapalit ng hinihingi nitong katahimikan at kapayapaan sa bansa partikular na sa Mindanao.

Ayon kay Dureza, bago maimplementa ang kontrobersyal na Memorandum of Agreemen (MOA) sa pagitan ng pamahalaan at MILF, marami pa itong prosesong dadaanan, una na dito ay ang pagsumite sa Kongreso upang maging batas. Pangalawa, kukunin ang opinyon ng mga mamamayan ng apektadong lugar o barangay kung gusto ba nilang mapabilang sa Muslim area at ang magiging desisyon ng mga ito ang siya pa ring masusunod.

Dagdag pa ni Dureza, maghahain din ang pamahalaan ng plebisito sa Kongreso para sa mga Muslim areas na hindi sakop ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) upang mas maging mabisa ang kanilang desisyon kung nais ba ng mga itong pumasok sa Bangsamoro Juridical Entity BJE at sa bandang huli'y rerespituhin pa rin ng pamahalaan ang magiging desisyon ng mga ito. (Lgtomas/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Living Heritage Center of indigenous peoples opens Wednesday
»2nd Nat'l Conference on IPs held today
»32 barangays in Davao Region for inclusion in JBE thru plebiscite
»Feature: Will EVAT forever stay?
»Gov't prepares for oral arguments on MOA-AD
»Feature: For the love of education
»DOST offers SME scholarships
»Another chance for entrepreneurs to join Philippine BiD Challenge 2008
»Davao Region's poverty incidence still lowest in Mindanao
»Davao Region provides Western Wats with needed manpower
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines