Tagalog News: Ideneklarang special non-working day
Manila (14 August) -- Inaprobahan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang pagdedeklara ng special non-working day sa mga sumusunod na limang lungsod, isang bayan at isang probinsiya.
Inihayag ni Executive Eduardo Ermita na ang Proclamation No. 1574 nilagdaan noong August 2, 2008, ng Pangulo ang nagdedeklara sa August 15 bilang special non-working day sa bayan ng Tueguegarao upang ipagdiwang ng mga mamamayan ang kanilang patronal na tinaguriang Pavvurulun Festival 2008.
Ang nasabing proclamations ang nagdedeklara rin ng special non-working day sa Lucena, Aug. 20; Mandaue Aug. 30; Davao Aug. 22; Cagayan de Oro Aug. 28; Municipality ng Angono Rizal Aug. 19; at lalawigan ng Albay Sep. 2. (KAlbay/PIA 12) [top]