Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 16 December 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << December 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/08/14

Tagalog News: Panglimang barangay bagsakan project sa Rehiyon 12 binuksan sa Sultan Kudarat

Koronadal City (14 August) -- Isa na namang Barangay Bagsakan ang binuksan ng Department of Agriculture 12. Ang Barangay Bagsakan na matatagpuan sa Barangay Kalanawi II ng Pres. Quirino, Sultan Kudarat ay binuksan kahapon (August 13) kung saan ang launching ay sinaksihan ng mga Barangay at municipal officials, mga mamamayan ng nasabing Barangay at karatig-pook at mga opisyales ng DA.

Ayon kay DA 12 Regional Executive Director Abusama M. Alid ito ay panglimang Barangay Bagsakan Project sa rehiyon dose na nailunsad ng DA. Ang iba pa nito ay matatagpuan sa Dukay Esperanza Sultan Kudarat; Poblacion B sa Mlang North Cotabato; sa San Isidro sa Kidapawan City at sa Barangay Poblacion sa Magpet, North Cotabato.

Ang nasabing proyekto ay bashagi ng Accelerated Hunger Mitigation Program ni President Gloria Macapagal-Arroyo at DA Secretary Arthur Yap, kung saan ang mga mura at de kalidad, masustansya at tuloy-tuloy na supply ng pagkain tulad ng karne, isda, manok, gulay, prutas, bigas at abot kamay sa presyong abot-kaya. Dito rin direktang naiuugnay ang mga supplier/buyers at consumers ng mga produktong pang agrikultura.

Kasabay nito, ipinaliwanag din ni Ali dang programang FIELDS ng pamahalaan kung saan nakapaloonb dito ang iba't-ibang proyekto na tutulong sa mga magsasaka sa bansa. Ang FIELDS o Fertilizer, Irrigation and other rural infrastructure, Research and extension work, Loans, Dryers and other postharvest facilities, at Seeds Program ni PGMA na naglalayong maisulong ang kasiguruhan sa pagkain sa bansa.

Kaugnay nito, malaking pasasalamat na tinanggap ni Barangay Chairman Leandro Santos ang Certificate of Ownership ng nasabing proyekto na iginawad ni Mrs. Rowena S. Genet eng Agribusiness and Marketing Assistance Services-Central Office.

Binigyagn diin naman ni Pres. Quirino Mayor Rodolfo Erese na malaking tulong aniya ang bagsakan sa dahilang malayo ang Barangay sa bayan. Hiniling niya na pangalagaan ito ng maayos upang makapagtayo uli ng kahalintulad na proyekto sa iba pang Barangay ng kanyang munisipyo. (DA-12/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Sarangani adopts social integration plan
»Region XI needs focus on manufacturing
»DOST JLSS scholarships application deadline set
»DOST offers engineering graduate scholarships
»Davao Oriental celebrates 1st Almasiga Festival and 60th founding anniversary
»Zambo Norte to host Mindanao Business Conference
»Increased bio-fuel production urged
»Power firm helps Davao construct 2 school buildings
»Commentary: PGMA's election automation gains headway with ARMM polls' success
»PGMA hails successful conduct of ARMM elections, poll automation
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines