Tagalog News: Pagratipika ng ACB Establishment Agreement minamadali
Jakarta (15 August) -- Sa ginanap na 7th ASEAN Centre for Biodiversity (ACB) Governing Board Meeting sa Singapore, hinikayat ni ASEAN Deputy Secretary-General Dr. Soeung Rathchavy ang mga bansang miyembro ng ASEAN na madaliin ang pagratipika ng ACB Establishment Agreement.
Binigyang diin ni Dr. Soeung Rathchavy na ang ACB sa kasalukuyan ay mas pina-iigting pa ang implementasyon ng mga aktibidad na magbibigay benipisyo sa lahat ng mga ASEAN member states. Hinikayat din niya ang mga bansang kasapi na palawakin pa ang kanilang kontribusyon sa operasyon ng ACB ng sa ganun ay maimplementa ng maayos ang mga programa nito.
Tinalakay din sa pagpupulong ang progreso sa implementasyon ng ACB third year work plan pati na rin ang development ng ACB Long-Term Strategic Framework Plan 2010-2020 at ang ACB Resources Mobilisation Plan.
Ang ACB na naka-base sa Los Baņos ay itinatag noong September 2005 upang magtaguyod at mag-implementa ng mga aktibidad upang mapa-unlad ang biodiversity conservation na may mahalagang kontribusyon sa pag-unlad ng ASEAN region. (Abbenal/PIA 12) [top]