Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 12 December 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << December 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/08/19

Tagalog News: Countdown sa "world's longest pastillas" sinimulan na ng mga Bulakenyo

Lungsod Ng Malolos (19 August) -- Sinimulan na ng mga Bulakenyo ang countdown para sa kanilang bid sa World Guinness Book of Records para sa pinakamahabang pastillas sa mundo kaalinsabay sa ika-430 taong paggunita ng pagkakatatag ng Bulacan bilang isang lalawigan noong Agosto 15, 2008.

Ang unveiling ceremony ay hudyat ng paghahanda ng mga Bulakenyo para sa pagpasok nito ng entry ng pinakamahabang pastillas sa prestihiyosong Guinness Book of World Record sa ilalim ng kategoryang amazing feats.

Ayon kay Gobernador Joselito Mendoza, matagal nang plano ng pamahalang lalawigan na lumahok sa Guinness upang matulungan sa promosyon ang mga Tatak Bulakenyo kaya naman natutuwa siya na ngayon ay naisakatuparan na ang planong ito.

Dagdag pa ni Gob. Mendoza na isa ito sa mga pinakatampok na gawain sa pagdiriwang ng Singkaban Fiesta mula Setyembre 8 hanggang 12, 2008 na may temang "Sipag, Husay at Talino Tatak ng Bagong Bulakenyo".

Aniya, sa pamamagitan nito, maitatampok ang pastillas at lalo pang makikilala sa pandaigdigang merkado ang mga produktong Tatak Bulakenyo.

Ang pastillas ay isang kendi na gawa sa purong gatas ng kalabaw, asukal at pinainitan sa apoy na karaniwang industriya sa mga bayan ng San Ildefonso at San Miguel.

Nakatakdang ilatag ang pinakamahabang pastillas sa Setyembre 12, 2008 sa harapan ng Kapitolyo sa lungsod na ito na may sukat na 200 metro at katumbas ng tinatayang 5, 800 piraso ng regular size pastillas. (PPAO/PIA Bulacan) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Some 1,200 poor receive medical, dental services in People's Day of Catarman
»Commentary: A clear case of political bias, insincerity
»PGMA condemns MILF dawn attack in Lanao del Norte
»Cebuano News: PGMA mimando sa pagpulpog sa MILF nga misulong sa mga lungsod sa Lanao del Norte
»2 civilians killed, 1 wounded in MILF attack in Sarangani
»Seafarers needed by maritime industry
»JDV wants cha-cha after 2010
»Commentary: Money in Maritime
»Commentary: Singing a Different Tune
»Tanauan riders dominate 2nd Malaysian Skimboarding Competition
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines