Tagalog News: DepEd training para sa teaching competencies
Manila (19 August) -- Mahigit 190,000 teaching personnel ang ipinasa-ilalim ng Department of Education sa pagsasanay sa school year 2007-2008 upang mapataas pa ang teaching competencies at ang student performance lalo na sa English, Science at Mathematics.
Inihayag ni Education Secretary Jesli Lapus na sa kabuuang ng 531,705 teaching staff, ang target ng DepEd na makapag-sanay ng mahigit 210,760 para sa taong 2007-2008. Ay nakapagtapos na ng pagsasanay ay umaabot na sa mahigit 91%.
Dagdag pa ni Lapus na ang Teacher's training at development ay priority program ng DepEd maabot ang hanggad na quality education para sa mga mag-aaral. Ang training program para sa teaching staff ay nakatuon sa pagpapalawak ng kaalaman at teaching competencies para sa asignaturang English, Science at Mathematics.
Ipinaliwag din ni Lapus na ang training design ay nakabase din umano sa pangangailangan at competency based standards para sa mga gurong nakapagsanay. Ani Lapus magsasanay din umano ang mga guro na magtuturo sa mga preschool children, day care centers na may edad na limang taong gulang at special children kung saan pangangasiwaan ng mga guro ang special education school at ang iba pang mga asignatura na bahagi ng curriculum. (KAlbay/PIA 12) [top]