Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 26 May 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << May 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/08/19

Tagalog News: Pagsalakay ng MILF sa Lanao del Norte kinondena ng Pangulo

Manila (19 August) -- Ipinag-utos ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa pwersa ng pamahalaan na sugpuin at papanagutin ang mga rebeldeng grupong Moro Islamic Liberation Front (MILF) na sumalakay sa ilang bayan ng Lanao del Norte na nagresulta ng pagkamatay ng ilang mamamayan.

Ayon sa Pangulo, mariin nitong kinokondena ang di makatarungang pag-atake at karahasan ng MILF sa ilang bayan ng Lanao del Norte dahil ito umano ay paglabag sa kasunduang pangkapayapaan at hamon sa pagnanais para sa kaunlaran at katahimikan sa Mindanao.

Kasunod ng karahasang ito, agarang ipinag-utos ng Pangulo sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na protektahan ang bawat lalawigan sa bansa na may banta ng pagsalakay ng nabanggit na rebeldeng grupo upang hindi na maulit pa ang ganitong pangyayari.

Ayon pa sa Pangulo, hindi ipagsawalang-bahala ng pamahalaan ang mga ganitong karahasan lalo na't nadadamay ang mga inosenteng sibilyan. Pupuksain at parurusahan umano ang kahit na sino man, mapa-indibidual man o grupo na manggugulo sa kapayapaan at pag-unlad ng bansa partikular na sa Mindanao. (Lgtomas/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Some 1,200 poor receive medical, dental services in People's Day of Catarman
»Commentary: A clear case of political bias, insincerity
»PGMA condemns MILF dawn attack in Lanao del Norte
»Cebuano News: PGMA mimando sa pagpulpog sa MILF nga misulong sa mga lungsod sa Lanao del Norte
»2 civilians killed, 1 wounded in MILF attack in Sarangani
»Seafarers needed by maritime industry
»JDV wants cha-cha after 2010
»Commentary: Money in Maritime
»Commentary: Singing a Different Tune
»Tanauan riders dominate 2nd Malaysian Skimboarding Competition
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines