Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 20 May 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << May 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/08/21

Tagalog News: Pinal na desisyon ng SC kaugnay sa MOA-AD hinihintay ng Executive branch

Manila (21 August) -- Inihayag ni Press Secretary Jesus Dureza na hinihintay na lamang ng executive branch ang desisyon ng Supreme Court (SC) kaugnay sa Memorandum of Agreement on Ancestral Domain (MOA-AD) bago ito magdedesisyon kung itutuloy o hindi ang pakikipagnegosasyon sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) bunsod ng naganap na pagsalakay ng grupong MILF sa ilang lugar sa Mindanao.

Sa isang panayam binigyang diin ni Dureza ang matatag na determinasyon ng administrasyong Arroyo na magkaroon ng tuluyang kapayapaan sa Mindanao kung kaya't patuloy ito sa pagbuo ng mga mabisang hakbang tungo sa minimithing kapayapaan sa lugar maging ang pakikinig sa opinyon ng mga mahistrado.

Sa ngayon, hinihintay pa ang pinal na desisyon ng Korte Suprema kaugnay sa nasabing isyu kung saan ani Dureza, ang MOA-AD umano ay kinakailangang pag-aralan ng mabuti lalo na ang magiging desisyon ng Korte Suprema kaugnay sa kasalukuyang problema sa kapayapaan sa Mindanao.


Manifestation isinumite na ng OSG sa Supreme Court

Isinumite na ng Office of the Solicitor General (OSG) ang manifestation sa Supreme Court (SC) upang pag-aralang maiigi ang Memorandum of Agreement on Ancestral Domain (MOA-AD) at makapagpatuloy ang peace talks sa pagitan ng pamahalaan ng Pilipinas at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) para sa pagkamit ng tuluyang kapayapaan sa Mindanao.

Ayon kay Executive Secretary Eduardo Ermita, ang nasabing manifestation ay isinumite ni Solicitor General Agnes Devanadera kung saan nakasaad doon na ang hinahangad ng MILF na Bangsamoro homeland ay matatamo lamang sa pamamagitan ng pagsunod sa legal na proseso katulad ng pagpasa ng mga batas o pag-amyenda sa ating Konstitusyon para sa pagsasagawa ng isang plebisito.

Nilinaw din ni Ermita na ang nasabing MOA ay hindi pa isang final agreement sapagkat mayroon pa umanong ilang kondisyon na dapat sundin at pag-usapan ng magkabilang panig.

Dagdag pa nito na ang pagpapalabas ng SC ng temporary restraining order (TRO) bunsod ng kasalukuyang kaguluhan sa ilang bahagi ng Mindanao ay isang epektibong hakbang ng sa ganun ay mapag-aralang maigi ng Korte Suprema ang nabanggit na MOA-AD. (Abbenal/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»MOA signing for coalition Vs TB set August 21, says DOH
»New tax reform brings relief to individual taxpayers - BIR
»Mindanao biz leaders urge on sustainable responsible investments
»Bizmen hope for business-friendly GRP-MILF MOA
»Lumads focus of DA's rural program
»Business name registration in Davao down to one day
»Davao del Norte leads implementation of DIDP-IFSP projects
»Davao Norte is region's best ECCD implementer
»Sarangani villages activate defense force
»Davao Chinatown unveils arches
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines