Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 21 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/08/21

Tagalog News: Roundup: DepEd inilunsad ang SEAMEO-INNOTECH

Manila (21 August) -- Upang mapataas ang kalidad na edukasyon sa public school system, hininginan ng tulong ni Department of Education (DepEd) Secretary Jesli Lapus ang Southeast Asian Minister of Education Organization, Regional Center para sa Educational Innovation and Technology (SEAMEO-INNOTECH) upang mapataas ang competencies ng mga school principals.

Hiniling ni Lapus sa SEAMEO-INNOTECH na isama sa pagsasanay ang mahigit 1,600 school principals sa buong bansa sa ilalim ng DepEd EXCELS-Excellence in School Leaders ng Southeast Asia.

Ayon pa kay Lapus sa pamamagitan ng pagpapataas competencies ng mga school principals, ay mas mapa-unlad pa ang kanilang leadership at management capabilities na tutulong upang ma-update ang bagong trends sa curriculum at instruction.

Naniniwala si Lapus na ang school principals ay mga critical players sa paghahatid ng magandang kalidad ng basic education. Ani Lapuz ang mahigit 1,200 principals ay magkakaroon ng apat na liggong intensive online sessions na mayroong flexible learning tutor guide para sa kanila sa pamamagitan ng magkaibang sessions.


Bagong Director General ng NICA itinalaga ni PGMA

Itinalaga ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo si Deputy Security Adviser Pedro Cabuay Jr. bilang bagong Director General ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA).

Si Cabuay ay itinalaga ng Pangulo matapos magretiro sa panunungkulan bilang Director General ng nabanggit na ahensiya si Cesar Garcia noong ika-30 ng Hulyo taong kasalukuyan.

Bago maitalaga sa nabanggit na posisyon, si Cabuay ay naging one-time head ng Southern Luzon Command (SOLCOM) at isa ring retired general.


51 mobile palay-buying station binuksan ng NFA

Mahigit 51 mobile palay-buying station ang binuksan ng National Food Authority (NFA) para sa main o wet harvest season upang magkaroon ng karagdagang access ang mga magsasaka lalo na sa pagbenta ng kanilang mga produkto batay sa State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Arroyo na magsisiguro ng rice sufficiency at magpapataas ng rural income ng mga magsasaka.

Sa nakaraang SONA ng Pangulo Arroyo nakapaloob dito ang pagpapanatili ng mataas na public investment sa agriculture at fisheries na nagdudulot ng pagtaas sa produksyong palay subsector sa 4.07% sa loob ng 2001-2007 period.

Ayon kay Agriculture Secretary Arthur Yap ang karagdagang mobile palay-buying station umano ay kabilang sa 350 buying station na ikakalat sa ilang probinsiya sa bansa kung saan ito ay ipapatayo malapit na production areas at inaasahang makakatulong sa intensive palay procurement program ng NFA hanggang sa susunod na taon.

Marami din umanong mobile buying stations ang naitatag na sa ilang bahagi ng bansa gaya ng Central Luzon, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Caraga at Davao Region.


Boracay Island may mataas na tourist arrivals mula Enero hanggang Hulyo

Mula buwan ng Enero hanggang Hulyo ng taong ito, umaabot sa 400,037 ang bilang ng mga turistang dumayo sa Boracay Island, ang itinuturing na prime tourist destination ng Pilipinas. Ito ay base na rin sa naitala ng Provincial Tourism Office (PTO) ng Kalibo, AKlan kung saan dahil sa pagtaas sa bilang ng dumarayong turista sa lugar ang sektor ng turismo ay kumita ng may kabuuuang P7.3 billion.

Sa buwan pa lamang ng Enero hanggang Hulyo ng taong ito, ang PTO ay nakapagtala ng kabuuang 111,736 foreign tourist ang dumayo sa lugar, 246,378 domestic tourist at 41,923 Overseas Filipino Workers.

Ang pagtaas sa naitalang tourist arrivals mula Enero hanggang Hulyo ay mas mataas kung kumpara sa naitala ng PTO noong nakalipas na taon sa kapareho ring mga buwan na umaabot lamang sa 387,288.

Inaasahan din na sa pamamagitan ng patuloy na pagpapa-unlad sa pasilidad ng Kalibo Airport na mayroon ng international flights mula South Korea at Taiwan ay mas mapataas pa ang bilang ng mga turistang dadayo sa Boracay. (KAlbay/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»MOA signing for coalition Vs TB set August 21, says DOH
»New tax reform brings relief to individual taxpayers - BIR
»Mindanao biz leaders urge on sustainable responsible investments
»Bizmen hope for business-friendly GRP-MILF MOA
»Lumads focus of DA's rural program
»Business name registration in Davao down to one day
»Davao del Norte leads implementation of DIDP-IFSP projects
»Davao Norte is region's best ECCD implementer
»Sarangani villages activate defense force
»Davao Chinatown unveils arches
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines